"SAAN ka galing?" usisa ni Perdita nang sa wakas ay bumalik sa kubo si Robertito.
"Gising ka pa?" tanong nito imbes na sagutin ang tanong niya.
"Obvious ba?"
"Galit ka?" Naupo ito sa tabi niya sa couch na kawayan.
"Hindi." Masama lang ang loob.
"Galit ka nga. Bakit?" Humarap ito sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. "Kasi naman, pumayag akong sumama sa 'yo rito dahil akala ko—Akala ko, we'll have fun. Kung alam ko lang na iiwan mo akong nakatunganga rito, hindi na sana ako sumama."
May araw pa nang dumating sila sa farm, naghihintay na ang mainit na tinola ni Ansing kaya maaga silang naghapunan. Animated silang nagkuwentuhan at nagbiruan habang kumakain. At kahit tapos na sila ay hindi pa rin sila tumatayo. Nag-contest pa sila kung sino ang makakaubos ng dessert nila—bukayong makapuno, courtesy ng asawa ni Ansing.
Magkatulong pa silang naghugas ng mga plato.
Akala ni Perdita, tuloy-tuloy na ang kasiyahan nila. Pero pagkatapos nilang mailigpit ang kinainan nila, nagpaalam itong may aasikasuhin lang.
Ngayon lang ito bumalik, alas-diyes pasado na ng gabi.
"Inareglo ko kasi 'yong away n'ong dalawang boy. Nang maareglo, nagpainom 'yong isa. Nahiya naman akong tumanggi, kaya ngayon lang ako nakabalik," paliwanag nito.
"Sana isinama mo na lang ako. Alam mo namang wala akong gagawin dito."
"Sorry, akala ko kasi hindi ako matatagalan. At saka—"
"Saka ano?"
"W-wala. Matulog ka na. Gabi na. Nakatawag ka ba sa bahay?" Iniwan nito ang cell phone nito sa kanya para makumusta niya si Baby Andoy.
Umiling si Perdita. "Baka mama mo ang makasagot, usisain pa ako nang husto kung ano'ng nangyari at hindi ako nakauwi. Ninenerbiyos ako kapag mama mo ang kausap ko, baka mabuking pa tayo."
"Okay. Uwi na lang tayo nang maaga bukas. Matulog ka na, mapupuyat ka—" He paused and laughed halfheartedly. "Bakit ganyan ka makatingin?"
"Parang ipinagtatabuyan mo ako, eh," sabi niya. Biglang-bigla ay hindi niya maintindihan ang kilos ni Robertito, malayong-malayo sa nakasanayan niya. Kahapon at kanina, parang atat na atat itong magkasama uli sila. Ngayon namang magkasama na sila, parang ayaw na siyang makita.
Bahaw pa rin ang tawa nito. "Hindi naman. Kaya lang, gabi na. Ano pa ang gagawin natin?"
"Di mag-uusap."
Umiling-iling ito, ang ngiti ay iyong parang may nalalaman at ine-expect na dapat ay alam na rin niya.
"Hindi naman kita maintindihan. May problema ka ba?"
Laking gulat niya nang bigla na lang nitong hagipin ang magkabila niyang pisngi, iniharap ang mukha niya rito at tinitigan siya nang deretso."Malaki ang magiging problema ko kung hindi ka pa matutulog," sabi nito.
She must have looked puzzled—he went on:
"Kung ako ang tatanungin mo, ayoko nang makipagkuwentuhan sa 'yo. Parang napag-usapan na natin lahat ang puwedeng pag-usapan. Isa na lang ang natitirang puwedeng gawin."
Shocked si Perdita. "Akala ko ba, gusto mo akong kasama? Na masarap akong kausap." Hindi rin niya naitago ang hinanakit.
"Oo nga," giit nito, diniinan ang pisil sa magkabila niyang pisngi. "Hindi mo ba naiintindihan?"
Eksaherado siyang umiling.
He sighed as if in resignation. Na para bang wala na itong choice kundi klaruhin ang lahat—which he did and shocked her more.
"Ang totoo, kaya ako umalis ay para iwasan ka. Nagpagabi ako para 'kako pagbalik ko, tulog ka na. Kung hindi ko gagawin 'yon, malaking problema ang mangyayari. Because there's nothing left for us to do, except—"
"Except what?" Pero hindi naman siya ganoon ka-clueless para hindi maintindihan ang sinasabi nito. It shocked her yet it also thrilled her. Their eyes locked and something sparked within her.
"There's obviously an attraction between us. I'm not going to deny it. Are you?" sabi pa nito.
Umiling si Perdita.
"Kaya nga kailangan mo nang matulog. Bringing you here again was a mistake. Ikakasal ka na sa kapatid ko. Kahit pa bading 'yon, hindi naman tama na dumihan ko ang pagkalalaki niya."
"Hindi pa ako inaantok." Hindi niya inaalis ang titig dito. Dahil siguro noon lang may lalaking kagaya ni Robertito ang tahasang umaming attracted sa kanya kaya na-flatter siyang masyado at naging daring.
Napakurap ito at napanganga pero hindi binitawan ang mukha niya. Several moments later, he touched her lips with his thumb. Parang nakabawi na ito sa pagkagulat.
"Hindi pa rin ako inaantok," sabi nito, ang isang kamay ay lumipat sa parteng batok niya para kabigin ang ulo niya palapit dito.
Her heart was beating so fast, yet she was numb from too much anticipation. Ni hindi niya magawang kumurap habang parang unti-unting nama-magnify ang mukha nito. The pores on his nose were getting bigger and if she would define eternity, it was those milliseconds before their lips finally met.
And merged. Then melted into each other.
Until the space between them seemed like a giant chasm and she could not bear it anymore. She wanted to be near him. No, she wanted to be one with him so she clung to him desperately—wanting, needing to close the gap between their bodies.
Maybe she had waited long enough and the passion that had been dormant in years finally awakened with an all-consuming vengeance.
Or maybe she loved Robertito.
Kung anuman ang dahilan, saka na niya iisipin. Ang nasisiguro lang niya nang mga sandaling iyon ay hindi na siya puwedeng magpakasal kay Ronaldo.
"Alam natin pareho kung ano ang ibig sabihin nito. You can still change your mind," bulong ni Robertito sa kanya.
Was he kidding? His breath was warm against her ear, his hand doing wonders on her breast. Pagkatapos ay sasabihan siya nitong puwede pa siyang magbago ng isip? He could be really funny at odd times. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.
"Doon tayo sa loob," sabi niya. "It's the first time for me at naniniwala ako na ito ang tamang panahon. Ang kailangan na lang, tamang lugar."
Bigla itong kumalas sa kanya. "Nakupo! Oo nga pala!" bulalas nito.
Tumayo siya at hinila ang kamay nito. "Tara na!" She giggled.
"Baka puwedeng si Ansing na lang muna? Saka na ako," sabi nito, ayaw tumayo sa kinauupuan.
"Luko-luko!" Kumandong siya rito, glad to feel that his erection was still there.
"Takot ako sa virgo," sabi nito.
"Capricorn ako." Hinagkan uli niya si Robertito sa mga labi na agad naman nitong tinugon; pagkatapos ay bigla siya nitong binuhat.
"Bawal sumigaw. Magugulat ang mga manok ko," paalala nito and they both laughed as they entered the room.
BINABASA MO ANG
Señorito Series 2: Robertito COMPLETED (Published by PHR)
RomanceAng balak lang ni Perdita ay ipakilala ang anak ng yumaong kaibigan niya sa ama nito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata. Pero hindi ganoon ang nangyari. She ended up agreeing to marry Ronald, the child's father. Pumayag lang siya sa pro...