Chapter 7

12.7K 344 15
                                    


HINDI masarap sa pakiramdam ang mapag-isipang mukhang pera. Santa lang siguro ang makakatanggi sa alok ni Ronaldo. Iyon ang nagpapagulo sa isip ni Perdita. Hindi siya makatulog.

Paano siya makakatanggi kung dahil kay Ronaldo ay maipapagawa niya ang bahay nila sa probinsiya at mabibigyan niya ng ginhawa ang kanyang ina? Maibubuhos niya ang buong panahon sa pag-aartista sa teatro dahil hindi na niya kailangang mag-sideline ng kung ano-ano para matugunan ang araw-araw niyang pangangailangan.

Alam ni Perdita na hindi madali ang maging asawa ni Ronaldo. Ang totoo, ngayon pa lang ay parang de-number na ang mga kilos niya. Tama si Robertito, madalas ay kailangang magpakita siya ng magandang impresyon sa mga kamag-anak, kaibigan, at kakilala ng pamilya Pangan. Kailangan, perpekto ang hitsura niya palagi.

At paano nga kaya kung makatagpo siya ng lalaking mamahalin? Mapipigilan ba niya ang puso kapag tumibok iyon para sa iba? Malaking sakripisyo iyon kapag nagkataon. Kaya ba iyong pantayan ng magagarang damit, mamahaling alahas, isang marangyang tahanan?

Hindi siya sigurado. Pero nakapagdesisyon na siya. Hindi na niya iyon mababawi.

Umungot si Baby Andoy sa crib. Pero bago pa makatayo si Perdita para silipin ang sanggol ay nandoon na ang nurse nito. It was a relief na mayroon nang nag-aasikaso sa sanggol. Pero nami-miss niya iyong mga oras na siya mismo ang nag-aalaga rito, siya ang gumigising sa dis-oras ng gabi, siya ang naghehele rito na tulad ng isang tunay na ina.

Ina.

It suddenly occurred to her na posibleng hindi na siya magiging tunay na ina dahil malabong ma-devirginize siya ng lalaking pakakasalan. Kung may nangyari man dito at kay Venus noon, alam niyang hindi na iyon uulitin ni Ronaldo. At sabi nga ng kaibigan niya noon, the sex with Ronaldo was the worst she ever had.

Pero parang tunay na anak naman ang turing niya sa anak ni Venus. Sapat na siguro iyon. Bumangon siya.

"Akina muna si baby, Megan," sabi niya sa nurse. "Ako na ang magpapatulog sa kanya. Hindi pa ako inaantok, eh. Matulog ka na."

Parang grateful namang ibinigay sa kanya ng nurse ang bata; nahiga ito sa pang-isahang kama na ipinaakyat doon ng mother-in-law-to-be niya para doon na rin daw matulog ang nurse-yaya at hindi na siya mapuyat kapag nagligalig ang sanggol.

"Megan, nurse ka pa naman. Dapat alam mong hindi dapat sa kama matulog ang apo ko."

"Huh?" Naalimpungatan si Perdita. Umaga na. Katabi niya sa higaan si Baby Andoy. Hindi na pala niya naibalik ito sa kuna.

Binalingan siya ni Mrs. Pangan. "Ikaw naman, hija, hindi mo sana itinabi sa pagtulog ang bata. Delikado 'yan. Baka madaganan mo, o kaya ay matakpan ng comforter, ma-suffocate pa siya. Have you heard of SIDS?"

Umiling si Perdita. Inaantok pa siya at nagkamali yata siya ng desisyong pumayag na tumira sa bahay ng mga magulang ni Ronaldo. May pagka-stage mother pala ang ina nito—pakialamera sa lahat ng bagay.

"Sudden Infant Death Syndrome. Hindi mo dapat katabi sa pagtulog ang bata, baka nga bigla mong madaganan—"

"Hindi na ho mauulit," sabi niya. Bakit silang magkakapatid, katabi lagi ng nanay nila noong mga babies pa sila, hindi naman sila nadaganan. Gumagana naman ang protective instinct ng mga nanay kahit tulog, katwiran niya. Pero wala siyang lakas ng loob na makipag-argumento sa ginang.

"Ang mabuti pa, bumangon ka na't mag-breakfast. Ngayon kayo lalakad ni Ronald para maghanap ng designer, 'di ba? Ayaw ni Ronald ng mabagal. Gusto n'on, pagdating niya rito mamaya, aalis na lang kayo. Ayaw niya ng naghihintay," anang biyenan-to-be niya at binuhat na si Baby Andoy.

Señorito Series 2: Robertito COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon