Rachel'sSa sobrang kumportable niya ata sa lambot ng kama ko, ay halos 2/3 na yung sinakop niya. Hiyang hiya ako sa paa niyang nasisipa na ako dahil sa kalikutan niya matulog. Dahil sa sobrang pagod ko ata kahapon ay late na ako nagising. Nang makabangon nga ako ay tapos na siyang makaligo at bihis na bihis ang bruha.
"Wow, saan lakad mo?" tanong ko.
"Di kita kaibigan para tanungin mo ako ng ganyan." pagsusungit niya kaya napairap na lamang din ako. Masama bang magtanong?
I mocked her while making faces. Akala mo kung sino sa sobrang taas nang tingin niya sa sarili niya. Hindi ko rin naman gugustuhing kaibiganin ang tulad niya. Naligo na din ako agad dahil pupunta pa ako sa Captain's Shack para magstay doon for the day.
"What?! Anong hindi aalis?! Aalis ako!" rinig kong sigaw ni Mika nang makalabas ako ng kwarto.
"Mam, sumusunod lang po kami sa utos." sabi ni kuya Roger.
"La, bakit ayaw niyong palabasin si Mika?" tanong ko nang makaupo ako sa dining pero nginitian niya lang ako.
"La! Ayaw nila ako palabasin oh." parang bata na reklamo ni Mika nang makarating siya sa dining.
"Makakalabas ka lang dito kung kasama mo si Rachel. Balita ko matagal-tagal ka ring mawawala ah, bakit hindi kayo magdate?" Nasamid naman ako sa sinabi ni Lala at heto namang si Mika ay napanganga na lang sa sinabi ni lala.
"La, pupunta ako sa Shack." sagot ko.
"Edi isama mo siya dun." humigop naman ito sa kape niyang mas matapang pa kay Bonifacio.
"La naman." pagtutol ni Mika, kala naman niya gustong gusto ko i-date siya.
"Samahan mo na lang ako dito maglinis." nakangiting sabi ni Lala dahilan para magpout si Mika.
"Sige po, sasama na." sagot niya.
"Wag na, dito ka na lang." wika ko.
"No. I'm going with you." pagpupumilit niya.
"Dito ka na lang." tutol ko.
Tumabi naman siya sa akin at inangkla ang braso niya saka inihilig ang ulo niya sa balikat ko. Wow, di naman niya ako kaibigan para magpakaclingy siya sa akin ah. Hanep din talaga tong taong 'to. Nag-iiba talaga ang tao kapag may kailangan.
"Dali na, date tayo. Makinig ka kay Lala." nakangiti niyang sabi. Mukha namang ngiting aso. "Please, I have to go." bulong niya sa akin.
"Fine." sagot ko.
"Antayin kita sa kotse ha." ngumiti naman siya na parang bata at binelatan pa si kuya Roger nang madaanan niya ito.
Napailing na lang ako. Ang laking tao pero napaka-isip bata. Narinig ko namang tumawa si Lala ng bahagya.
Hay nako, La, kung hindi lang kita mahal baka nilayasan na talaga kita.
"Alis na po kami, La." wika ko at humalik na sa kanya.
"Mag-iingat kayo at mag-enjoy kayo sa date niyo." nagtaas baba pa siya ng kilay na animo'y nang-aasar kaya napailing na lamang ako.
Pagkarating ko naman sa kotse ay nasa likod siya nakaupo, wow gawin daw ba akong driver niya."Bakit ka ba kasi sumama?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"Wag mag-feeling, hindi kita idi-date. Andar ka na tapos sunduin na lang kita mamaya." utos niya.
"Ayoko nga!" kunot noo kong pagtutol. "After ng ginawa mo sakin wala na akong tiwala sa mga salita mong ganyan. Tigilan mo ako. Kung ganyan lang din, di na ako aalis."
BINABASA MO ANG
The Hardest Thing
General Fiction© 2018 - The hardest thing I have to do was live without you. [Completed]