Chapter 16

1.9K 57 54
                                    


Rachel's

"Nasabi mo na ba kay Gretchen yung plano mo?" tanong ko habang kumakain kami at nasamid naman siya kaya binigyan ko siya ng tubig. "Did I said something wrong? I'm sorry."

Uminom muna siya nang tubig bago huminga nang malalim. "Hindi pa nga e, alam ko kasing magagalit siya." nalungkot naman ang mukha niya.

I can't help but feel sad too. I know we are somehow the cause of her miserable life right now. "She'll know it sooner or later, mas maganda kung sayo manggagaling kaysa malaman pa niya sa news or sa ibang tao." kumento ko at mukha naman siyang kinakabahan. "Takot ka sa kanya?" tanong ko at nginitian niya lang ako awkwardly kaya naman alam ko na ang sagot.

"Tell me what to do. Hindi ko alam paano sisimulan e." kamot batok niyang sabi.

"Gusto mo bang samahan kita? As in sama lang ha, support lang kita. Di ako magpapakita sa labidabs mo." hello, takot ko lang din sa mga tingin sa akin ni Gretch. Pakiramdam ko ay tinutusok ako ng mga karayom sa talas ng kanyang tingin.

"Sige that would do. Text ko na lang siya na magkita kami today, wish me luck." At nagsign of the cross pa siya kaya hindi ko mapigilan ang hindi matawa kahit inappropriate.


I nodded at nagpatuloy na kami sa pagkain. Ipinasyal ni Lala si Sophie kaya wala akong intindihin ngayon dito sa bahay. Hapon na nang umalis kami ni Mika, maigi at nauna kami kay Gretch kaya naupo muna ako sa sulok, malayo sa kanila. This is the least that I could do for Mika. 

Dumating si Gretch, I just stayed in my place enjoying my slice of cake. Hindi ko naman dinig ang usapan nila, they looked okay until nakita ko na lang na tumayo si Gretch with her bag at hinilamos na ni Mika ang palad niya sa kanyang mukha. I therefore conclude that it didn't end well. Mika looked frustrated pero hindi niya hinabol si Gretch at hinatid lang nang tingin kaya nilapitan ko siya saka naupo sa tapat niya nang makaalis na si Gretch. 


"Bakit hindi mo sinundan?" tanong ko.

"Hayaan mo siya, ayaw niya makinig e." napabuntong hininga na lang siya at tumingin sa akin. "Medyo matigas din ang ulo niya, kaya nga nagkasundo kami agad e." saka siya tumawa nang bahagya.

"I'm sorry." simpatya ko sa kanya.

"It's okay. Alam ko naman sa sarili ko na ginawan ko ng paraan e. Alam kong may solusyon na tayo, ayaw niya lang ng idea natin." ngumiti siya nang pilit at tinulak ang upuan gamit ang kanyang paa. She pointed it with her eyes kaya naupo naman ako doon.

"Anong sabi niya?" tanong ko.

"Magsama daw tayo." tumawa naman siya at napailing. "Magsasama naman talaga tayo dahil sa putang inang kasal na iyon."

"Gusto mo bang kausapin ko?" maglalakas loob ako, para maging okay lang sila.

"Thank you, Rachel. Pero mas maigi yatang hayaan na lang muna nating magpalamig. You can't change people's view. They'll believe what they want to." tiningnan niya ako ng malungko. "Tara uwi na tayo, 2 AM ako aalis ng bahay bukas, may flight pa ako." tumayo naman na siya kaya sinundan ko na din siya. 


Nagpresinta ako na I'll drive her papuntang airport para makapagpahinga pa siya since may flight nga siya but she insisted na siya na at kaya naman daw niya dahil sanay naman siya sa ganito. Sabi rin niya na mas gusto niya maging busy tuwing magkaaway sila ni Gretch dahil ayaw niya lunurin ang sarili sa mga isipin. 


"Tabi ka muna dyan." sabay turo ko sa isang ice cream parlor.

"Malamig na, baka sipunin ka niyan."

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon