Chapter 27

2.2K 69 77
                                    




Rachel's

"Uyy." sabay yugyog sa akin ni Den habang malaki ang ngiti at halatang kilig na kilig. "Ilang araw na lang ikakasal ka na!" Hindi naman halatang excited siya. 

Hindi talaga. 

I mocked her, making faces. "Ilang araw na lang masasakal na siya." Biro ko at tumawa nang bahagya. Because honestly, I still don't get Mika sometimes.

"Kamusta naman kayo?" Tanong niya pa habang inaayos ang desk niya, nasa hospital kasi kami ngayon, dito ko siya hinintay.

I sighed and pouted. "Okay naman? Mali lang din ata yung umasa ako sa sinabi niya." I pursed my  lips and forced a smila. "Baka ang gusto niya lang talaga is totohanin namin yung pagiging pamilya. Yes, she might have said na gusto niya ako. Pero never ko narinig yung salitang matagal ko nang gustong marinig, nahihiya naman ako sabihan siya ng I love you, masakit kaya kapag walang reply." Nahihiya kong wika sa kanya.

"Ano ka ba, wag ka mawalan ng pag-asa. Alam mo namang galing sa break-up yung tao e."

"Ayun na nga e, mas mahirap kung rebound lang ako. Mas mahirap para sa akin na hinayaan ko ang sarili ko mahalin siya nang buong buo tapos babalik naman pala siya dun. Den—" I called her exasperatedly habang umiiling-iling. "My gosh, iniisip ko palang yung mga ganung possibilities nasasaktan na ako." Malungkot kong tugon kaya naupo siya sa katapat kong upuan at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Aww, Chel." nalungkot naman siya sa narinig. "I know it's hard, plus the unknow factor in your relationship, but I think she means no harm naman?  Sige, sabihin na nating hindi ka mahal— pero hindi naman doon matatapos yun diba? Sabi niya, madali kang mahalin, and she likes you. I think she's trying, isa pa, dun naman din pupunta yun."

"Wag mo akong paasahin." I chuckled before bitinng my lower lip. "Den, I can't even imagine life without Mika anymore. Alam ko this sound corny but I just can't."

"Landiin mo kasi! Wag kang petiks! Uso magseduce!"


Alam mo yung nagda-drama ka kasi nasasaktan ka pero hihirit siya ng ganun? Sinabunutan ko siya dahil sa sinabi niya. Minsan ay sira ulo din talaga! Akala ko naman very comforting words ang sasabihin niya at may pahawak hawak pa ng kamay. Jusko, iba talaga utak ng babaeng 'to.


"Aray." Sabay hawak niya sa buhok niyang magulo na at inayos ito. "Seryoso naman kasi. Ano na ba progress niyo ha?" Tanong niya.

"Ano, uhm, kiss." Napatakip naman ako ng kamay sa aking mukha dahil sa hiya. Hindi naman din ako sanay pag-usapan ang mga ganitong bagay. "Hanggang dun lang naman."

"Jusko, Rachel Anne? May anak ka na, di na uso mahiya. Go lang nang go." Wika niya kaya binatukan ko siyang muli. "Nakakadalawa ka na ha!"

"Tigilan mo nga ako, Dennise. Kung ibibigay ko man ulit sarili ko, siguro pag mahal na niya ako. It's not making love kung hindi niyo naman mahal ang isa't isa diba."

"Whatever, bish. Let's go." 


Umalis naman na kami ng room niya at nagtungo sa parking. Pinipilit pa rin niya akong landiin si Mika. Nahihiya nga kasi ako! Bakit ba niya pinipilit? Hindi ko nga matitigan si Mika sa mga mata niya nang matagal dahil kinikilig ako, makipagkandian pa kaya? Dinaanan naman namin si Ara sa company nito saka nagtungo sa isang restau-bar.

Hindi ko pinapansin ang mga text messages ni Mika dahil nagkatampuhan kami kagabi. No, slash that— ako lang pala ang nagtatampo, tapos parang wala lang naman sa kanya na nag-away kami dahil ni hindi man lang niya ako sinuyo or what. Gusto ko lang naman magdinner kaming dalawa, sinabihan niya akong magtipid daw. I'm not even asking her on a fancy date, I don't need that. Ang gusto ko lang naman lumabas kami, oras lang ba para sa aming dalawa, ang mahalaga naman kasi yung magkasama kami. Minsan lang naman ako magyaya! Isa pa siya naman nagsabing kami na kaya masama bang i-date siya? Hindi naman diba?


The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon