Rachel'sWe were on our way home from our mini honeymoon vacation. Sure it was a tiring day, but I know my heart is full. Napatingin naman ako sa aking kamay and saw the ring on my finger. Getting married to Captain Mika is definitely, the second happiest moment of my life, of course seeing Sophie for the first time would always be on top of my list. Maaga kaming umuwi dahil may pasok pa ang anak ko, ayoko naman paunahin siya dahil malamang sa malamang magtatampo nanaman siya kaya we decided na umuwi nang mas maaga. Wala naman ding reklamo si Mika dahil sabi nga niya, we can always have time for ourselves.
Nakaupo kaming tatlo sa back seat habang ang yaya naman ni Sophie ang nasa harap katabi ng driver namin. Mika is holding my hand playing with my fingertips, which I find cute, parang bata na hindi maintindihan ang damulag na ito. Tumunog naman ang phone niya kaya sinagot niya rin agad.
"Good afternoon, ninong. Napatawag po kayo?"
"Ahh ganun po ba, anong oras po?"
"Okay po."
Tumingin naman ako sa kanya at nginitian niya lang ako nang tipid. "Mahal, pinagre-report ako ni ninong bukas. Tapos may flight na din daw ako sa gabi." She pouted.
"Gaano ka katagal?" malungkot kong tanong sa kanya. Can't I enjoy my wife muna?
"2 weeks. Sorry." Iiling-iling siyang huminga nang malalim. "
"Ano ka ba, trabaho mo yan e. No need to say sorry." I smiled at sumandal sa balikat niya.
"Nakaleave din naman ako. You know I wanted to enjoy days with you before going back to work kaso pag nagrequest talaga sa akin si ninong hindi ko matanggihan dahil nga sa ginawa niyang favor para sa akin." Paliwanag niya.
"Yah, I remember yung kay Gretch right?"
Sumimangot naman siya kaya tinawanan ko siya saka pinisil ang ilong niya. Hindi naman issue sa akin yung kay Gretch. I know how din much she loves her job, yung time away lang talaga ang ayaw niya. She loves to travel and she loves seeing the world.
Nang makarating kami sa bahay ay nag-impake na agad si Mika kaya tinulungan ko na din siya magtupi ng ilan sa mga damit niya. I think I'm starting to hate ang magtupi dahil sa ganitong feeling, the feeling of not wanting to let go. Ayoko sa siyang umalis muna, pero wala naman akong magagawa since she really have to take it.
"Mimi, where are you going?"
"Mimi is riding a plane again baby." sagot ko.
"Can we go with you?"
Tumingin muna sa akin si Mika, maybe she wanted to take us pero umiling ako. Naintindihan naman niya yata iyon kaya tumango siya. "Sorry, not this time, baby. May school ka pa diba?" sagot sa kanya ni Mika.
"Okay! Don't forget my ubong." sabi ni Sophie at lumabas na din ng kwarto, malamang ay kukulitin nanaman si Lala.
"Di ko man lang nasulit honeymoon natin." wika ni Mika kaya hinampas ko siya. "Bat ka namumula?" natatawa niyang tanong at tumayo. "How about we do it again?" she winked while grinning seductively as she walk towards me.
"Mikaaaa!" hiyaw ko nang bigla niya akong dinaganan.
She looked right into my eyes, her grey-colored contact lens adds more beauty in her already perfect face. "Human rights, Miel." she wiggled her brows before giving me a sweet kiss. But before I could deepen our kiss, she stopped. "But of course, depende pa din sayo." sabi niya and gave me a quick peck bago siya tumayo.
BINABASA MO ANG
The Hardest Thing
General Fiction© 2018 - The hardest thing I have to do was live without you. [Completed]