Rachel's"Wag ka na nga sumama." Pangungulit ko kay Cha over the phone. Gustong gusto niya kasing sumama dahil nandun si Ria, saying she wants to talk with her about what happened.
"E gusto ko ngaaaa." Pagpupumilit niya.
"Ayoko ngaaaa." Tutol ko.
Nawala kasi sa isip ko na family shoot nga pala namin ngayon. When I say family shoot, it would be Mika, Sophie and I. Although we're not yet a family, Lala insisted us to have it as soon as now dahil may paggagamitan siya. Kagabi pa ako nagsabi sa kanyang wag na tumuloy pero mas makulit pa siya kay Sophie. Ayoko namang makaramdaman si Cha ng hindi maganda sa makikita niya. She's so persistent.
"Do you think I would feel jealous? Wag ka nga dear, patawa ka." Wika niya pa.
I smirked over the phone. "Fine. Bahala ka dyan. Daanan ka na lang namin." Wika ko.
"Yaaas! Thank you, Dear! I love you!" Sabay tawa niya kaya napailing na lamang ako.
"Love you too." Napangiti ako sa sinabi ko at binaba na ang tawag. Agad akong nakaramdam nang pagbatok sa ulo ko kaya tiningnan ko kung saan galing iyon.
"Ay sorry dumulas yung kamay ko." Sabi ni Mika kaya pinaningkitan ko siya ng mata. Dumulas? Paano naman dudulas yung kamay niya?
"Ewan ko sayo, Mika. Tara na. Pupunta pa tayo kay Gretch bago pumunta sa photoshoot." Wika ko dahilan para sumimangot ang kapreng kausap ko.
"Bakit kasi hindi na lang noon pa sinabing ikakasal sa iba para di na ako nagmahal ng totoo muna. Madali ka naman din mahalin." Segway niya dahilan para tumigil saglit sa pagtibok ang puso ko.
"H-ha?" Halos nauutal utal kong sambit. Dalawang letra na nga lang, nahirapan pa ako.
"Kako kung single ako baka mahal na kita ngayon. Bilisan mo na dyan saka maglinis ka ng tenga mo, ang bingi." Wika niya saka lumabas ng kwarto.
Kung kanina ay parang natigil ang puso ko, ngayon naman halos hindi na ito magkamayaw sa sobrang bilis nang tibok. Hindi ko ma-contain yung kilig at saya sa narinig ko; nawala na lang iyon nang sumagi sa isip ko si Cha. Ang hirap ng ganito.
Torn between two lovers 🎶
Charot.
Sumakay na din kami sa sasakyan, si Sophie ang pinaupo niya sa tabi niya. They really look so cute together. She's taking care of my daughter na parang kanya din iyon. I admire her good personality, but it's kind of irritating na din because it's drawing me closer to her. I don't like it, well not in this situation.
"Rachel Anne." Tawag niya sa akin at tumingin sa may front mirror dahil nga nasa likod ako.
"Hmm?"
"Mommy, I want baby brother." Sabi ni Sophie dahilan para matawa si Mika. My jaw dropped, what the heck? Napakunot na lamang ang noo ko nang makabawi ako.
Lumapit naman ako kay Sophie. "Baby, it's complicated." Yun na lang ang sinabi ko at hinampas si Mika sa balikat. "Ikaw! Ano bang tinuturo mo sa anak ko ha?" kinurot ko pa ang tagiliran niya.
"Hoy! Hindi naman ako nagturo nun!" Natatawa niyang depensa. "Hindi rin yun yung sasabihin ko."
"Mommy, you and mimi is bagay!" Namula naman ang pisngi ko sa sinabi ng anak ko. Saan naman niya natutunan iyon?!
"Naks! Because Mimi is as gorgeous as mommy diba?" Tanong ni Mika at nag-nod naman ang anak ko saka sila nag-apir.
"Mika! Kung anu-ano tinuturo mo sa bata! Sakalin kaya kita ha?" muli ko siyang kinurot.
BINABASA MO ANG
The Hardest Thing
General Fiction© 2018 - The hardest thing I have to do was live without you. [Completed]