Rachel'sNakatingin lang ako kay Mika at Sophie habang nagbubukas sila ng maleta. Inabutan niya si Sophie ng ilang damit at chocolate dahilan para humalik halik nanaman si Sophie sa kanya kaya nagtawanan sila. My daughter looks so grateful for everything.
My heart is melting.
I hate how she manages to soften every inch of me whenever she makes Sophie smile. The way she handles my daughter with care makes me ache. It hurts because she isn't mine, nor will she ever be. Only I could hope to find a love like hers.
Bwisit.
Tumayo ako at nagpunta muna sa salas saka naupo sa tabi ni Lala. Yumakap naman ako sa kanya at isinandal ang sarili ko sa dibdib niya. I just miss being comforted, I miss those days na lahat nasasabi ko kay Lala.
"May problema ba, hija?" Tanong ni Lala.
"Wala po, La." Sagot ko kahit inis na inis na ako sa sarili ko dahil sa mga nangyayari sa akin.
"Gusto mo ba ng cookies?" Ngumiti naman siya at tumango-tango ako.
Nagtungo kami sa kusina at nagsimula nang i-prepare ang mga ingredients. Well, as our neighbors says, Lala's cookies are the best in town. Minsan nga ay umoorder pa ang mga kapitbahay namin kapag holidays, and Lala happily makes one for them.
Lala and I started making cookie dough habang nagkukwentuhan ng mga bagay-bagay. She didn't asked anything about Mika, the engagement or how were we. We just talked about me and her.
Lumabas naman si Mika at Sophie mula sa kwarto at tumambay din sa kusina. I wanted to wish for Mika to stay fucking away from me. Kahit sana 10 meters lang or basta hindi ko makita ang pagmumukha niya. I don't want her around kasi naiirita ako sa kanya.
Nakakairita sa sobrang attractive. Ako naman si tanga na-attract.
Leche.
"Hoy ayusin mo nga yung lukot ng mukha mo. Hindi magiging masarap yang ginagawa mo. Diba Lala?" Sita ni Mika at inirapan ko lang siya. Pakialam niya ba? Umalis siya sa harap ko kung ayaw niyang nakabusangot ako.
"Mimi, Lala's cookie is yummy." Sabi ni Sophie.
"How about mommy's cookie?" Tanong ni Mika habang nakacross-arms at nakadungaw kay Sophie.
"I'll take Lala's." Sagot ng anak ko.
Tumawang dalawa kaya tumingin ako kay Lala at nagpout pero tumawa lang din siya. Grabe naman sila sa akin, alam ko hindi ganun kasarap pero hindi naman ganun kasama yung lasa ng gawa ko ah?
After namin mag bake ay muli akong lumayo sa kanya, nagtungo na lang ako sa garden para naman malayo ako kay Mika. Naupo naman ako sa gilid ng pool at ibinabad ang paa ko dun. Sakto namang tumawag si Ria kaya sinagot ko ito.
"Napatawag ka?" Tanong ko habang nakatingin sa mga paa kong naglalaro sa tubig.
"Miss ko na agad boses mo e." Sagot niya dahilan para mapangiti ako nang bahagya. Hindi ako sanay na landiin, sa totoo lang.
"Bolera, kakahiwalay lang natin wala pang dalawang oras ang nakakalipas."
"Seryoso ako, miss na agad kita." Bakas ang lungkot sa boses niya.
"Come on, wag ka na malungkot." Wika ko. "Hindi bagay sayo. Para kang tsokolateng natutunaw." sabay tawa ko.
"Ang sama mo." natawa rin naman siya bago huminga nang malalim. "Hindi na ulit kita mahahatid sundo e, nandyan na yung hilaw na legal fiancè mo." Natawa naman ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Hardest Thing
General Fiction© 2018 - The hardest thing I have to do was live without you. [Completed]