Chapter 28

2.2K 61 13
                                    




Rachel's

What happened last night made me really really happy. It was so surreal at pakiramdam ko may hangover pa ako sa mga sinabi niya. I am feeling so over the clouds because of happiness. But this time, sigurado ako na totoo ang lahat ng 'to.


"Mommy, sunduin niyo po ako later?" Tanong sa akin ni Sophie dahil hinatid namin siya ni Mika sa school.

"Yes, baby. Mimi will date you later." Sabi sa kanya ni Mika at ginulo ang kanyang buhok.

"Tayo lang?" Tanong ni Sophie habang kagat kagat ang hintuturo niya while swaying sideways, my daughter is so adorable.

"Yes, kasi lagi na lang si mommy diba? Dapat tayo din." Nakangiting sabi ni Mika as she pats Sophie's head saka ito lumebel para naman ayusin ang buhok nito. "But you have to behave sa school, okay?" 

"Okaaay! Then next time kami naman ni mommy." Masigasig na sagot ng bata.

"Yep, listen ka maigi kay teacher ha?" Humalik na ako sa noo ng anak ko at pinapasok na siya sa room niya.

"Have anyone told you na you're a great mom?" Tanong bigla ni Mika at umakbay sa akin habang naglalakad kami patungo sa parking lot.

"Meron, my friends." Nakangiti kong sagot sa kanya at piningot ang ilong niya saka yumakap sa kanya sideways.

"Well, super tama sila sa part na iyon." Nagwiggle naman ang brows niya at ngumiti siya saka ako sinakal palapit sa kanya. 


Loko loko.

Brutally sweet ang taong ito.

Kinurot ko naman ang tagiliran niya para makabawi. Agad naman siyang napahawak sa kinurot ko at sinimangutan ako. Inirapan ko lang siya at sunakay na kami sa sasakyan.


"Mahal, may gusto ka bang daanan?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko.


Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig. I mean, did I really heard her calling me like that? Binigyan niya ako ng what-look na parang nagtatanong kung may masama ba siyang nagawa saka pinaandar na ang sasakyan without letting my hand go.


"Huy, mahal." Tawag niyang muli. "May problema ba?" Dagdag pa niya. "Rachel Anne!" Sigaw niya kaya natauhan ako.

"A-ano?" Sambit ko.

"Natulala ka na diyan." Ngumisi naman siya. "Di ka sanay?" Tanong niya na may malapad na ngiti saka ako umiling at nag-iwas nang tingin. Kasalanan ko ba na ang tagal ko ng single?

"Tse." Masungit kong sagot at binitawan ang kamay niya saka nagcross-arms at ipinaling ang tingin sa bintana.

Tumawa naman siya, maiirita sana ako pero mas nakakahawa yung tawa niya. "Miel, mahal, o kung ano man yan, masanay ka na aba, ikakasal ka na e."

"Mika, what if bumalik si Gretch?" Tanong ko, natatakot ako. Who wouldn't? I know beforehand how much she loves that woman.


Katahimikan ang namutawi sa amin panandalian. Hindi malaman kung sino ang unang magsasalita, hindi ko alam kung dapat ko bang bawiin dahil baka magalit lang siya sa akin o kung ano. 

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon