Last Chapter

1.9K 41 7
                                    

Last Chapter





"I want to stay here." Halata sa mukha nila na nagulat sila sa sinabi ko. Bago pa makapagsalita si Sandra ay pinigilan ko na siya. "I want this."

"Zade, paano to?" Tanong ni Sandra.

"Bro, what are you gonna do?" Robin asked him.

He stared at me while I also stare at him. We both know this is wrong, pero alam namin na kailangan namin 'to. This night will decide everything that will happen from here on out.

"Please, Sandra." Zade said while bowing his head. Sandra just sighed. I know she's worried about me at alam din niyang kahit anong gawin niya, once I've made up my mind, mahirap nang baguhin.

"Okay, ikaw na bahala sa kanya Zade. Whatever happens, please, just be responsible for it." Then she looked at me, "Happy birthday, ito nang birthday gift ko sayo, behave."

Sandra kissed me then lumabas na siya ng condo ni Zade. Oo nga pala, birthday ko. What a nice way to welcome, I'm freakin drunk. And I don't know what will happen in the next few seconds, minutes, hours. Bukas ko na nang umaga iisipin kung pagsisisihan ko ba 'tong gagawin ko o hindi.

"Sge bro, we're leaving." Pagpapaalam ni Robin. "Happy birthday, Kash."

"Happy Birthday, Kash. Ingat kayong dalawa ah." Sabi ni Liam and he winked at me.

"Thanks guys. Alis na kayo please." Sabi ko, ang gulo kasi nila eh.

"Hoy, Zade, ingat ka diyan." Liam said before completely vanishing from my eyes.

And with that, awkward silence nalang ang natitira. Zade was sitting in front of me habang ako naman ay nakatingin lang sa kawalan. Ughhh, okay medyo pinagsisisihan ko na. Medyo palang naman pero bahala na, its here, wala na tayong magagawa.

"Uhm, do you want some tea, coffee?" He asked.

"More drinks." One thing about me, mabilis akong mahimasmasan sa alak. Boring, right? Sumasakit nalang ang ulo dahil sa mga pinaggagagawa ko ngayon. Am I going to thank all the alcohol that I've drank para lang makarating sa kung nasaan ako ngayong gabi na 'to?

"Ang dami mo nang nainom." He said.

"Don't underestimate me. At tsaka ikaw nga 'tong walang ininom eh."

"But--"

"This might be the last time, so please." I said. Hindi ko pa din alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para dito.

Mukha namang narealize niya yung point ko kaya he went to his kitchen to get some drinks. I looked around the area habang hinihintay siya. Why is it na mukha paring malinis yung condo niya kahit na ang daming taong nanggaling dito kanina?

"Here."

He chose a well-known white rum brand. Wow, okay fine, challenge accepted. Natatawa ako, is this the ending both of us will have? Drunk and wasted? Parang hindi magandang ending yun ah. We talked about random stuff at first, siguro dahil wala pa siyang lakas para tanungin ako ng mga bagay na gusto na niyang malaman. Both of us had to be drunk for everything to be revealed.

"Na-realize mo na ba how much you love me?" He asked while laughing.

"Yabang mo pa din." Sagot ko.

"Didn't you miss me?"

"Ako, di mo na-miss?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"So much." Sagot niya which made me blush for sure. This guy really knows how to use his words.

Makalipas ang ilang oras na paguusap ay naramdaman ko na rin ang pagkalasing, I can tell that Zade is also getting drunk. We were already laying on the floor sa sobrang sabog.

Not His TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon