Pagtingin...

112 7 0
                                    


Sa malalim na gabing ika'y kapiling
Tayo'y naupo't nagmuni-muni
Sa damong ramdam ko ang init
Humiga't sabay tumingala sa langit

Napukaw bigla ng atensiyon ko
Ang aura mong kanina pa seryoso
Bigla kong naalala ang sinabi mo
Habang naglalakad tayo papunta rito

Oo naaalala ko
Ako lang pala'y kaibigan mo
Pero bakit iba ang nararamdaman ko
Sa tuwing ika'y kasama ko

Sa tuwing tayo'y magkakatinginan
Mundo ko'y tumitigil nang biglaan
Sa tuwing hahawakan mo ang aking kamay
Ramdam ko ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan

Para bang ako na'y tinamaan
Sa mga katangian mo , o aking kaibigan
Pero baka hanggang pagtingin nalang
Dahil mayroon kanang ibang napupusuan

Bigla kang bumangon sa pagkakahiga
Tumingin sa akin at nagsalita
Dinig na dinig ng aking tainga
Ang sinabi mong ,mahal mo siya

Oo masakit 'to
Pero gagawin ko
Isasantabi na lamang ang pagtingin ko
Para di na masaktan pa ang damdamin ko

Makita lang kitang masaya, okey na 'ko
Kahit pa hindi sa piling ko
Nakakalungkot nga , kasi di naging tayo
Pero tandaan mo, nandito lang ako para sayo

The Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon