Noong una'y balewala
Sa tuwing tayo'y magkikita
Nakakapag-usap nang bahagya
Tapos wala naNoon ang pagtawag mo
Sa ngalan ko'y walang epekto
Ang pagtitig sa mga mata ko nang ilang segundo'y
Walang dulot na kilig sa sistema koWala talaga
Parang karaniwang ganap lang
Sa tuwing tayo'y magkakagunita
Sa tuwing mag-uusap tayo't magpapalitan ng mga salitaPero bakit iba na ngayon?
Ano bang ginawa mo sa aki't nagkaganon?
Kung noo'y walang kilig na pumipintig
Bakit ngayon ay mistulang sasabog ang aking dibdib?Kung noo'y balewala ka lang sa paningin ko
Abkit ngayo'y ikaw na ang kumukumpleto ng araw ko?
Bakit sa simpleng tingin mo'y nahuhuwaling na ako?
Bakit kahit anong gawin mo'y napapangiti mo ako?Sa tuwing magkakalapit tayo
Hindi ko alam pero..
Daig mo pa ang meralco
Sa pagbibigay ng sigla sa sistema koHindi ko na nga maintindihan ang sarili ko
Kung bakit ganito na lamang ang epekto mo
Minsan nga'y napapaisip ako...
Magtatagal kaya ito, o baka nahihibang lang ako?Pero minsan pa, salamat sa iyo
Pagka't ika'y nagbigay inspirasyon sa isang katulad ko
Hindi mo man talastas ang pagtingin ko
Masaya naman akong hanggan ka nang patagoAng tulang ito'y alay sa iyo
Sana'y walang magbago kapag nalaman mo