Sa bawat pagmulat ng aking mga mata
Ikaw agad ang nais makita
Masilayan ang kariktan ng iyong mukha
Kahit sa distansyang pagkahabaAko'y di mapakali
Sa tuwing ika'y nasaking tabi
'Di malaman ang gagawin
Nag-aalangan kung dapat bang sabihinSabihin ang nadarama
Hangga't maaga pa
Hangga't ang tadhana
Ay nasa kamay ko paSa paglipas ng mga segundo
Ay ang pagkasayang ng pagkakataon ko
Para sabihing ika'y iniibig ko
Na ang nararamdaman ko'y totooPero, paano ko ba masasabi 'to?
Kung ang totoo'y may iba ka namang gusto
Natatakot lang naman ako
Na pagnalaman mo'y saki'y lumayoNakakapagod magtago
Sobrang nakakaloko
Na sa dinami-dami ng lalaki sa mundo
Ikaw pa ang nakabihag ng puso koNakakalungkot na isipin
Kaibigan lang ang turing mo sakin
Dapat na bang baguhin ang tibok ng aking damdamin?
Dapat bang pag-ibig ko sayo'y limutin?Sige na nga...
Kakalimutan ko na
Papalayain na
Kahit alam kong 'di ko pa kaya