Masaya ako pero hindi ako maligaya

40 4 0
                                    

Masaya ako pero hindi ako maligaya
Masaya ako sa bago kong kasama
Masaya ako kasi may bago akong kakilala
Masaya ako kasi ako'y tinanggap nila
Masaya ako kasi hindi nila ako tinuring na iba
Masaya ako kasi naramdaman kong okay ako sa kanila
Masaya ako kasi kahit papano'y ako'y napapangiti nila
Masaya ako kasi nararanasan o yung hindi ko nararanasan pa
Masaya ako kasi may isusulat na naman ako sa aklat ng aking mga ala-ala
Masaya ako kasi di ako nangulila sa dati kong kasama
Masaya ako... pero bakit tila may kulang pa?
Bakit hindi ko masabing ako'y maligaya?
Bakit kahit anong pilit kong gawing maligaya?
Maligaya sa kung ano ang aking natatamasa
Bakit tila hindi ko parin matanggap ang pagkawalay ko sa kanila
Sa kanila na siyang minahal ko nang sobra
Sobra na iisipin palang na mawalay sa kanila'y hindi ko makakaya?
Bakit parang nangungulila parin ako?
Bakit parang hindi parin ako kuntento?
Pilit ko mang kumbinsihin ang sarili kong okay na ako
Hindi ko parin maalis sa sarili ko ang lungkot
Gusto ko lang naman lumigaya
Makaranas ng pangmatagalang saya
May kalungkutan man, pero nawawala kapag kasama ko sila
Sana dumating yung panahon
Maligaya nang maituturing ang aking emosyon
Wala nang kulang pa
ngunit may espasyong nakahanda
Napupunuan ng mga ala-alang matatawag na Maligaya

The Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon