Nakakatawa ba?

21 2 10
                                    

Nakakatawa ba?
Kapag nalaman mong gusto ka niya
Kapag nalaman mong ikaw ang nasa isip niya sa tuwina
Kapag nalaman mong ikaw ang nagbibigay inspirasyon sa kaniya
Kapag nalaman mong ikaw ang sanhi ng mga ngiti niya

Nakakatawa ba?
Kapag nalaman mong palagi ka niyang sinusulyapan
Kapag nalaman mong hindi siya uuwi hanggat di ka natititigan kahit sa malayuan
Kapag nalaman mong ikaw ang halos laman ng kaniyang talaarawan
Kapag nalaman mong palagi ka niyang sinusulatan sa tuwing may mahalagang pagdiriwang

Nakakatawa ba?
Kapag nalaman mong ikaw ang bukam-bibig niya sa araw-araw
Kapag nalaman mo kung gaano ka niya ipagmalaki sa kaniyang mga kaibigan
Kapag nalaman mo kung paano ka niya hinangaan
Kapag nalaman mo na ikaw ay kaniyang pinagpapantasyahan

Pero....

Matatawa ka pa ba kapag nalaman mo na...
Ikaw ang palaging nasa isip niya
Na halos hindi na siya makapagkonsentra pa
Sa ibang bagay na mas mahalaga
Kaysa sa nararamdaman niya sayong wala naman siyang pag-asa

Matatawa ka pa ba kapag nalaman mo na...
Ikaw ang dahilan ng pagpupuyat niya
Iniisip kung mapapansin mo ba siya
Kung magkakaroon ba siya ng pagakataon na makausap ka
Gayong iba hindi naman kayo malapit sa isa't isa

Matatawa ka pa ba kapag nalaman mo na...
Ikaw ang dahilan ng mga mugtong mata niya
Mula sa gabi-gabing pagluha
Sa sobrang paghanga sayo'y nasaktan siya
Nang makita kang masaya sa piling ng iba

Matatawa ka pa ba kapag nalaman mo na...
Ilang beses niyang tiniis ang sinasabi sayo ng iba
Ilang beses na pinagtanggol ka niya
Kahit totoo naman ang mga paratang nila
Na may ugali kang hindi ka aya-aya

Matatawa ka pa ba kapag nalaman mo na...
Hindi naman niya sinasadya
Na sayo'y ay mahalina siya
'Bakit ba naman kasi ang guwapo nito' ika niya
Na aksidente lamang na napasulyap sayo't nahulog na

Matatawa ka pa ba kapag nalaman mo na...
Ilang araw niyang pinag-isipan kung itutuloy niya pa ba ang sa iyo'y nadarama
Hindi naman kasi niya inaasahan na
Masusugatan pala ang puso niya
Sa pag-ibig na nagmula sa simpleng paghanga

Ngayon...

Ngayong nalaman mo ang kaniyang nadarama
Sana ay hindi ka nalang tumawa
Sana ay hindi mo nalang siya pinagmukhang tanga
Kasi hindi mo naman alam kung ano yung pinagdaanan niya

Ngayong nalamn mo ang kaniyang nadarama
Sana manlang ay pinasalamatan mo siya
Kung hindi mo kayang suklian ang nararamdaman niya
Kaysa pagtawanan siya sa kahibangang ginawa niya

Kasi...

Nakakatawa ba?
At MAY nakakatawa ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon