Kaibigan

201 11 4
                                    

River flows in you -Yiruma's Piano(Now Playing)

Ilang taon na ang nakaraan
Nagsimula tayo sa mga ngitian
Ngitian na nagbunga ng pagkakaibigan
Pagkakaibigan na pangmatagalan

Marami na tayong napagdaanan
Sa ilang taon nating samahan
Ito'y hindi ko pinagsisisihan
Kahit hindi maganda minsan

Naaalala ko tuloy
Pinagmulan ng samahan
Kung di dahil sa lipatan ng upuan
Tiyak kong di tayo ngayon magkakaibigan

Siguro kung hindi ko kayo nakilala
Hindi ko nararamdanan ang gantong saya
Siguro...di ko malalaman ang aking halaga
Siguro...ako ngayon ay nag-iisa

Pero salamat ....sa pagdating niyo
Salamat..Kasi muli niyong pinadama na di ako nag-iisa
Salamat kasi binigyan niyo ko'ng halaga
Salamat...

Di ko mawari ang sayang nararamdaman ko
Sa araw-araw na nakikita ko kayo
Sa bawat sandaling magkasama tayo
Itong lahat ang nagpapalakas ng loob ko

Kayo ay isa sa mga inspirasyon ko
Kayo ang naging sandalan ko
Sa tuwing nalulugmok ako
At sa tuwing may suliranin ako

Pero napapansin ko...
Habang tumatagal
Para bang ang iba'y may iba na
Para bang kayo'y nagsawa na

Nakaramdam ako ng pangamba
Na baka kayo'y nanlamig na
Baka di niyo nais ituloy pa
Ang ating pagsasama

Napapansin kong sa tuwing kayo'y dumadaan
Ako'y parang hangin nalang na nilalampasan
Sobrang sakit sa kalooban
Parang gusto kong iiyak na lamang

Masakit masilayan...
Na kayo'y masaya........sa piling ng iba
Para bang dinudurog ang puso ko
Nagdidilim ang paningin ko
At napapatanong na .... nagkulang ba 'ko?

Pero don't worry,naiintindihan ko kayo
Alam kong darating ang panahong magkakahiwalay rin tayo
Darating ang panahon na magkakaroon na kayo ng kaibigang bago
At hahantong sa puntong kalilimutan niyo na ako

Alam kong hindi ito imposibleng mangyari
Lalo na ngayong unti-unti ko nang napapansin
Masakit mang isipin
Pero habang maaga pa'y akin nang tatanggapin

Pero kahit ganon
Lubos parin akong nagpapasalamat
Salamat sa ilang taong samahan
Sa mga ngiti at saya
Sa mga tampuhan at luha
Sa mga bagay na ginagawa nating nagkakasama
Sa hirap at ginhawa

Salamat sa mga ala-ala
Mga ala-ala mula pa nung una
Sana'y wag natin kalimutan ang isa't isa
Sana'y sa muli nating pagkikita ay...buo parin ang bawat isa

Hindi ko pinagsisihan ang lahat
Di ko kailan man kalilimutan ang lahat
Buong mundo kong ipagsisigawan na naging kaibigan ko kayo
At mahal na mahal ko kayo

Sana ay may natutunan kayo na kasama ako
Sana'y napatawad niyo na ako sa mga pagkakamali ko
Sana'y kahit kakaunti ay naging parte rin ako ng buhay niyo
Sana...mahal parin natin ang isa't isa

Sa mga huling salitang aking bibitawan
Sana'y tumatak sa inyong puso't isipan...........



Salamat ....Mahal na mahal ko kayo..... Hanggang sa muli...

The Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon