Nakakalito

33 4 2
                                    

Sobrang nakakalito
Mga kilos na pinapakita mo
Mga salitang binibitawan mo
Di ko mawari kung dapat bang paniwalaan ko


Oo, inaamin ko sa sarili ko
Na ako'y may pagtingin sa'yo
Na palagi akong naghihintay na kausapin mo
Na sabik ako sa presensya mo


Pero bakit natatakot ako
Natatakot na aminin ito sa'yo
Natatakot na baka pagnalaman mo'y ika'y lumayo
O ang mas masaklap pa'y paasahin lang ako


Sa bawat salitang binibitawan mo
Bakit parang nagdududa ako?
Bakit pakiramdam ko'y hindi totoo?
Bakit malakas ang kutob kong niloloko mo lang ako?


Mga sambitalain mong kay bango
Na tiyak mapapa-ibig ang binibining katulad ko
Tila may mga nakatagong palaso
Na sa huli ay dudurog sa puso ko


Bakit pakiramdam ko,
Isang palabas lang ang pag-aalala mo?
Na nasa loob lang tayo ng isang laro,
Larong alam kong una palang ay talo na ako


Pakiramdam ko'y napaka-tanga ko
Nagpapaniwala sa pagpapaikot mo
Nakakahilo pero...
Sige lang mahal ko


Pero nakakapagod tumakbo
Sa daang 'di alam kung sa'n tutungo
Sa daang bangin pala ang dulo
At wala ka para saluhin ako


Napapagod na ako
Paniwalain ang sarili ko
Totoo bang may paki ka sa tulad ko?
O isa ka lang HAYOP na nagbabalat-kayo


Hindi ko na alam ang gagawin ko
Gulong-gulo na ang isipan ko
Ayokong dumating sa ganitong punto
Ayoko pang masaktan dahil masaya pa ako


Masaya pa ako na ibigin ka mula sa malayo
Napagmasdan ka nalang habang nakadungaw ako sa puno
Na hintayin nalang na mapansin mo rin ang pagsinta ko
Na malaman mo kung gaano na kalalim ang pagtingin ko


Dapat na bang itigil ito?
Dapat na bang putulin ang katangahan ko?
Aamin ba ako?
At isusugal ang kasiyahan ko?


Ano? sabihin mo?
Anong marapat na gawin ko?
Saktan ang sarili ko sa totoo
O kalimutan nang tuluyan ang taong mahal ko?

The Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon