Buko(karaoke ver.)-Jireh Lim (Now Playing)
Nung una kitang makita
Lumundag ang saya sa aking mga mata
Puso ko'y tila napuno ng ligaya
Na matagal ko nang gustong matamasaNgunit sa sandali kitang nasilayan
Tila bumalik ang aking nakaraan
Nakaraan/na matagal ko nang kinalimutan
Ngunit kusang binabalikan ng aking isipanNaaalala ko pa ang taong una kong minahal
Na halos ibigay ko ang lahat
Puso ko,buong pagkatao ko
Na halos ituon ko sa kanya ang mundo ko.Siya ang unang lalaking minahal ko ng buong pagkatao ko
Na halos wala na akong matira para sa sarili koNgunit habang tumatagal ang aming samahan
Tila nag-iba ang kanyang nararamdaman
Napapansin kong/ang dating lambingan
Ay naglaho na lamang ng tuluyan
Nangamba ako nang maisip na baka....baka....nanlamig na siya
Ngunit binaliwala ko na lamangIsang araw/napatingin ako sa telepono niyang paulit-ulit na tumutunog
Hanggang sa nilapitan ko ito
At sa sandaling ito'y mahawakan ko ay tila gumuho ang mundo ko
Dahil sa nakita ko...Hindi ko nawaring nakalapit na pala siya
At sa sobrang pagkadismaya ay isang sampal ang dumapo sa kanyang mukha
Sabay paulit-ulit kong tanong na... Bakit?Bakit? Bakit mo nagawa ito sa'kin?
Nagkulang ba ako?
Buong akala ko'y ikaw na ang para sa'kin
Ibinigay ko sayo ang lahat...Pinagkatiwalaan kita
Ngunit ako'y nagkamali
Lubos akong nasaktan at pinaglaruan ng tadhana
'Di ko nawaring pinaglalaruan mo na pala ako ngunit heto ako... patuloy na nagpapaka tangaAgad kong kinuha ang aking maleta at lumabas sa aming tirahan
Alam kong wala akong mapupuntahan nang mga panahong iyon
Ngunit tinatagan ko ang aking kaloobanAt sa sandaling humangin...at ako'y ginawin
Isang lugar ang napadapo sa aking isipan
Isang lugar na alam kong papawiin ang bigat sa aking damdaminNapadilat ako at nakita ang isang bahay...
Bahay kung saan nakatira ang tunay na nagmamahal sa akin... Ang bahay na pinagsisisihan kong lisanin...Agad akong tumungo roon
At lumuhod sabay agos ng luha ko habang binabanggit ang mga katagang ito...Panginoon, pasensiya na po sa mga pagkakamali ko
Pasensiya na po sa pagtalikod ko sa iyo
Nung mga panahong nakilala ko siya
Dahil ang buong akala ko ay siya na...
Siya na ang taong ibinigay mo para sakin
Ngunit ako'y nagkamaliAlam kong nagkulang ako pero heto po ako ngayon ... nagsisisi sa aking mga kasalanan at nagbabalik loob..
----------------------------------
Lumipas ang mga taon,buwan at araw
Ang babaeng punong-puno ng sugat..
Sugat...dahil sa kanyang nakaraan
Ay ngayo'y nakatayo sa inyong harapan
At pilit na nagpapakatatag
Sa kabila ng mga pinagdaananAlam kong nagkamali ako
Pero alam ko ring may tatanggap sa mga pagkakamali koAt siya ay si....Si God
Talikuran man natin siya ng ilang beses ay hindi niya magagawang talikuran tayo
Magkasala man tayo ay papatawarin niya tayo dahil ... Mahal niya tayoPagmamahal na hindi mapapantayan ng kahit na sino...
Kaya ito ako ngayon, tinulungan niyang makabangon...
Binago nang tuluyan
At higut sa lahat ay binigyan muli ng pagkakataonNa kasalukuyang sinisimulan ang panibagong yugto ng aking buhay
Muli... ako si Micah Torres ...
Nagmahal,Nasaktan at Patuloy na lalaban...