Alam mo ba yung pakiramdam na...
Ang hirap maging totoo sa harap ng iba..Kasi natatakot ka na baka husgahan ka nila
Kasi natatakot ka na baka hindi ka nila magustuhan
Kasi natatakot ka na baka maging paksa ka ng usapan nila
Kasi natatakot ka na baka weird kang tignan sa paningin nila
Kasi natatakot ka na baka pagtulungan ka nila
Kasi natatakot ka na baka ikaw lang ang kakaiba
Kasi natatakot ka na baka hindi mo sila makasundo
Kasi natatakot ka na baka maging negatibo yung tingin nila sayo
Kasi natatakot ka na baka walang magkagusto sayoHalos takot ang namamayani sa iyong sistema
Kasi gusto mo lang namang makibagay sa kanila
Kaya ka napupuno ng puro baka
Kaya ka napupuno ng samo't saring pangamba
Kaya ka nahihirapang makisama sa iba
Kaya ka nahihirapang kilalanin kung sino kaKasi ikaw mismo sa sarili mo
Hinahayaan mong lamunin ka ng bulok na sistema ng lipunang ito
Hinahayaan mong maging sunod-sunuran ng iba
Kahit may sarili ka namang mga paa
Hinahayaan mong abusuhin ka nila
Na umaabot na sa puntong natitira nalang sayo'y wala
Hinahayaan mong sirain ang pundasyong sinimulan mo
Yung pundasyong gusto mong buohin para sa sarili mo
Hinahayaan mong tapak-tapakan ang karapatan mo
Hinahayaan mong ikaw ang maagrabyado
Hinahayaan mong tratuhin ka nilang parang hindi tao
Hinahayaan mo sila, kaya ka nasasaktan nang sobra
Hinahayaan mo sila kahit hindi na tama ang ginagawa nilaAlam mo..
Kaya mo namang sumalungat
At putulin nang tuluyan ang ugat
Ugat ng sistemang lumason sa kaisipan ng sangkatauhan
Na halos namamana na ng mga kabataan sa kasalukuyan
Maging totoo ka
Ipahayag mo yung totoong nararamdaman mo
Ipakita mo kung sino ka bilang tao
Nang hindi iniisip ang ipupuna sayo ng ibang tao
Maging matapang ka
Tumayo sa sarili mong paa
Mamuhay nang tama,hindi yung nakakatapak ng karapatan ng ibaKung mata man nila'y mapangutya
Na tititigan ka mula ulo hanggang paa
Kung bibig man nila'y mapanghusga
Na lalaitin ka ng samo't saring katha
Palampasin na lamang at huwag nang gumanti pa
Pasok sa isang tenga't labas sa kabila
Dahil wala naman silang mapapala
Ikaw iyan at wala silang magagawa