Chapter 12: Come Back

489 17 3
                                    

Nandito na kami sa Italy at salamat yun kay Xander. Minsan talaga hindi mo siya maiintindihan! Kung papayag ba siya o hindi.



"Saan tayo matutulog?" -Mark

May roon na akong plano dyan.



"Mayron kaming hotel dito. Doon na lang tayo malapit naman yun dito." -Nathe



"No! Remember kailangan kong bantayan ang kapatid ko. Baka kung ano na namang kalokohan ang ginagawa non ngayon!"



"Anong ibig mong sabihin? Sasama kami sayo? Sayang naman pala, libre na nga ang pag-stay natin sa hotel nila Nathe eh!" -Mark



"Kung gusto mong mag-stay sa hotel nila Nathe, wala na akong magagawa doon! Pero ipapaalala ko lang sayo na once na humiwalay ka sa amin hindi ka na makakabalik sa Pilipinas!" Tsk. Hindi pa niya naman dala yung passport niya.



"OO NA! Sasama na ako sainyo! Hindi na ako hihiwalay." Mabuti naman at nakot siya.



"Saan ba tayo mag-ii-stay?" -Nathe



"Sa taong mahal ko!" Mahina kong tugon.



"Ano yung sinabi mo?" -Nathe



"Sabi ko sa kakilala ko! Mga bingi!" Ang daldal talaga ng dalawang 'to. Pero ng tumingin ako kay Xander. Parang may itim na awrang bumabalot sa pagkatao niya. Mukhang magiging masama 'tong pag stay namin.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

We arrived 10:30 na sa bahay na pinag stayan nila Jennie. Ilang taon na ba ang nakalipas ng pmunta ako dito.



"SINABING HINDI AKO PANGIT AT LALONG LALO NA HINDI AKO GALUNGGONG!" -Jennie

Mukhang gising pa sila Jennie. Rinig na rinig ko yung mga sigaw ng maingay kong kapatid.



"Haaaay! Lumuwag na naman ang turnilyo!"



"Sino/Sino" -Nathe and Mark

Hindi ko na lang sila sinagot. Sa halip ay binuksan ko ang maindoor. At tumambad doon ang babaeng minahal at sinaktan ko.



"A-Anong g-ginagawa mo d-dito... S-Steve?" -Akhia

Gustong gusto ko na siyang yakapin, kausapin at sabihan ng 'namiss kita' at 'mahal kita'. Pero hindi ko magawa.


Gangsters PropertyWhere stories live. Discover now