Chapter 16: Cold as her

436 16 0
                                    

Hindi na ako bumalik pa ng school dahil baka makita ko na naman yung mukha ng Ampalaya King na 'yon! Kaya tinawagan ko na lang si Drea!

Mahigit isang linggo na pala kaming hindi nagkikita! Naging busy din kasi ako sa mga nakaraang araw, kaya ni pumunta man lang sa HQ ay hindi ko maharap.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na siya.

"Jen naman, bakit ngayon ka lang nag-paramdam? Alam mo bang montikan ng mapatay ni Athena yung leader ng Black Ace noon!" panimula niya

Teka anong ibig niyang sabihin na montikan ng mapatay ni Athena ang leader ng Black Ace?

"What do you mean?" naka-kunot noo kong tanong.

Agad naman siyang napahugot ng malalim na paghinga! Tumingin siya sa akin pero hindi niya pa din sinasabi ang dahilan! Grabe naman 'tong babaeng 'to. Nilalagyan niya pa ng thrill, sasabihin run lang naman mamaya!

"Ano ba mag salita ka nga diyan! Para kang tanga, mag-kwe-kwento ka ng mga nangyari noon tapos-"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng magsalita siya! Para naman akong napanghinaan ng katawan ng marinig ko ang taninanong niya.

"Ginagamit mo lang ba kami para sa greed mo?" tanong niya

Shit! Hindi ko sila gina-gamit pero bakit hindi ko magawang ibuka ang bibig ko? Bakit parang ayaw lumabas sa bibig ko ang sagot?

"Please, Jennie... Sabihin mo naman ang totoo? Gina-gamit mo lang ba kami?" tanong niya ulit.

Hindi ako maka-pagsalita kaya mas minabuti ko na lang na tumalikod at nag-simulang mag lakad palabas ng mall! Hindi ko siya kayang sagutin dahil hindi ko din alam ang sagot sa tanong niya!

**

Drea's POV

Hello! my name is Andrea! Hindi ko na papatagalin ang pag-papakilala ko! Dahil kailangan ko pang habulin si Jennie!

Hindi niya sinagot ang tanong ko sa kanya kanina! Pero bakit napaka- dali lang naman ang sagot sa tanong ko kanina, pero bakit Padang hindi siya maka-sagot?

Nag maabutan ko siya sa may parking lot at papasok na sa kotse noting si Jethrude ay agad kong hinila ang kamay niya.

"JENNIE! ANO BANG NAGYAYARI SAYO? BAKIT HINDI MO BA MASAGOT ANG MGA TANONG KO SAYO KANINA?!" galit na tanong ko sa kanya, pero nagulat ako ng lumingon into sa akin gamit ang mga walang buhay nitong mata! Napa-atras ako agad dahil doon.

Ngayon niya na lang ulit ginamit ang mga matang 'yon. Shit! Padang pinag-sisihan ko ang mga natanong at nagawa ko sa kanya! Nakakatakot siya ngayon, parang ibang tao siya ngayon. Wala pa naman dito si K! Alam kong si K lang ang nakakapag-pakalma sa kanya. Pati nga si Kuya Steve hindi niya kayang pakalmahin noon si Jennie!

Gangsters PropertyWhere stories live. Discover now