Chapter 4: Meet the Protective Brother

1.1K 21 0
                                    

Ako si Steve, 19 years old. Mahilig akong mag-basketball at mag-sulat ng novel, fantasy, horror, mystery, etc. But never a ROMANCE!! Cause I hate ROMANCE, para kasing ang corny... Anyway, nagaaral nga pala ako sa Hainest University, isa sa pinaka-sikat na University sa buong mundo na pag-aari ng pamilya nila Xander. Masasabing pinaka-sikat ito sa pagkat hindi lamang mayaman at matatalino ang nag-aaral dun, mga gwapo at maganda rin.


Pag-usapan naman natin ang Dream Girl ko...

-CUTE! Ayoko kasi ng maganda, nakakasawa.

-MAHINHIN! Ayoko ng magaslaw na babae, nakakairita.

-SIMPLE! Ayoko ng babae na puro make-up ang mukha nakaka-suka.

-MATURE! Ayoko kasi ng isip bata kung gumalaw, gandang sipain.

Yung mukha bang Maria Clara ang dream girl ko... Yun na nga... MARIA CLARA IN MODERN VERSION ang gusto ko!!


Anyway,back to story tayo! Ngayon ay patuloy kong kinakaladkad ang kapatid ko papuntang XK 'pr' (private room).


"Kuya saan mo ba kasi ako dadalhin? Malapit na kayang mag-time, paano kung malate ako!" sabay tingin sa relo niya

"KUYA!!!"

"ARAY! ANO BA, BAKIT MO BA GINAWA YUN?"

"Eh, bakit mo ba kasi ako hinihila este kinakaladkad?"

"Tsk! Malalaman mo rin mamaya maghintay ka lang!"

"Whatever!" sabi niya sabay irap sa akin.




***XK pr***

"Let me tell you a secret then-"

"-'and tell me your secret'  tsk! alam ko na yang line mo na yan!"

"Jennie, I'm serious!"

"Palagi ka namang seryoso!"

"JENNIE!" banggit ko sa pangalan niya ng malakas para malaman niya sobrang seryoso ko.

"Okay, fine! makikinig na ako!"

"Tell me your secret... All of them!"seryoso kung sabi sa kanya.

"May pictorial ako sa Italy para sa mga products natin" then congratulations sayo

"What else?"

"Kasama ko si ate Khia!" 'What kasama mo yung babaeng yun? Nasisiraan ka na ba ng ulo?' gustong gusto kong sabihin yan sa kanya, kaso lang may mas mahalaga pa akong kaylangang malaman kaysa sa mga bagay na yan. Kaya mamaya na lang ako mag re-react. 

"What else?"

"Seriously! Ang dami ko na kayang sinabi sayo tapos nakukulangan ka parin?"

"Sa tingin mo, may paki-alam ako sa mga yan? Ang gusto ko lang naman malaman ay ang sekreto nyo ni Iana. Ganoon na ba talaga kahirap sabihin yang sekreto nyo at pati akong kuya mo di mo pinag-kakatiwalaan! Ang gusto ko lang naman ay protektahan kita! Tangna talagang buhay oh!" sabi ko at saktong lalabas na sana ng room ng magsalita siya...

"Okay, fine! sasabihin ko na sayo. But please lang kuya...wag mo akong pipigilan!"

Bigla akong napatigil sa narinig ko at biglang napa-isip na 'bakit naman kita pipigilan?'

"Anong pipigilan?" Pero sa halip na  sagutin niya ako ay kinuha niya ang kanyang cellphone na ngayon ko lang nakita.

"Go to contacts, then find the name of Dark Ace and call her." Okay fine! I'll go to contacts, then find the name of Dark Ace and-

"DARK ACE? Bakit may contact number sayo si Dark Ace?"

"Gawin mo nalang kaya yung sinabi ko para malaman mo!" Sabi ko nga gagawin ko na. Alam niyo kung hindi ko lang to kapatid, baka matagal ko na tong pinatay eh!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hello Princess Sailoria! Bakit nayon ka lang tumawag, kanina pa kaya kita tinatawagan. Oo nga pala, may under ground battle tayong lalabanan mamayang gabi ng seven. Bye na pala Princess, may gagawin pa kasi ako eh! Kita nalang tayo mamaya sa UGBA (Under Ground Battle Arena) sa Makati.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Limang minuto na rin na nababalot ng nakakabinging katahimikan ang buong room ngayon pagkatapos ma-end ang tawag ng sinasabi niyang Dark Ace, ngunit bigla na lamang niyang binasag ang nakakabinging katahimikan. Sayang new record pa naman sana ito ngayon.

"Siguro naman na intindihan mo kung ano ang sinabi ni Dark Ace?" Bakit ganon? Bigla na lang ata na umurong ang dila ko?

"..."

"Kuya... I am Sailoria!"

"..." 'Hindi ko maintindihan kung bakit mo ito ginagawa' gustong gusto ko yang iatanong sa kanya, pero hindi ko magawa.

"Ako ang Mafia Princess!" Sa narinig kong ito ay hindi na ako nakapag pigil pa na sabihin ang nais ko na pigilan siya.

"Jennie baka pwede ka namang tumigil? Andito naman akong mag pro-protekta sa inyo!" Bakit ko hinayaan na masangkot ang kapatid ko dito. Kaya ng ako naging gangster para maprotektahan at malayo siya sa kapahamakan at para na rin mailayo siya sa pagiging gangster. Tapos ngayon malalaman ko nalang na mas mataas pa pala siya sa akin, na siya pala ang Mafia Princess.

"There's no way kuya!"

"Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan. Jennie please lang tigilan mo na ito!"

"Kuya alam mo naman siguro kung bakit ko ito ginagawa? Diba?" at kasabay noon ay ang pag tulo ng napaka pamilyar na likido mula sa kanyang mga mata.

"Dahil ba ito sa kanya kaya ka nagkakaganito? Jennie naman... Wag mo naman ng sundan ang pinag-galingan niya, ang pag-hihirap niya ng limang taon... Please nag mamaka-awa ako sayo, tigilan mo na ito!"

"Kuya please, kahit ngayon lang hayaan mo muna akong mag desisyon para dito!"

"Jennie please naman oh, wag mo nang itu-"

"Gustong gusto kong maghiganti sa mga taong may gawa ng pag-hihirap niya ngayon... Titigil lang ako pag napatay ko na sila sa mismong mga kamay ko!" sabi niya na kasabay din ng pag punas niya ng mga luha niya gamit ang kaniyang malalambot na kamay.

"Jennie alam ko na panlabas mo lang yang pagiging palaban at malakas mo... Parang libro. Pero sa kalob-looban mo ay ang pagiging mahina mo!"

"No kuya you're both wrong! First ang panlabas ko lang  ay ang pagiging sweet and friendly and second hindi ako mahina kasi ang tunay kung pagkatao ayang pagiging dugong mafia nakayang lumaban at pumatay para sa taong mahal niya..." sandali muna siyang tumigil at tinignan ako sa aking mga mata gamit ang kaniyag brown na mga mata na puno ng hinanakit at galit, sabay sabi ng "That's what I am!"

Jennie alam ko ang nararamdaman mo, pero sana naman inalam mo muna kung ano ang dahilan namin kung bakit hindi kami nag hihiganti sa may mga gawa nito sa kanya.

"Total naman kuya hindi nyo kayang maghiganti, ako na lang ang gagawa." pag katapos niyang sabihin yon ay kaagad siyang tumalikod at nag lakad papuntang pintuan, ngunit bago niya pihitin ang seradura ay "...by the way kuya wag mo na akong pigilan kasi nag eenjoy naman akosa ginagawa ko eh!" pagkatapos non ay unti-unti na siysng nawala sa paningin ko.

~~~Paensiya na po kung natagalan ang pag update ko. Wala po kasi akong pang net dati. Sana po magustuhan niyo~~~

Gangsters PropertyWhere stories live. Discover now