Chapter 10: World War 3

626 16 0
                                    

"Huh? May galunggong ba dito sa Italy?" Ahy tanga!



Saan naman siya makakakita ng galunggong sa Italy? Ang weird talaga ng mga tao ngayon na nakakasalamuha ko! Kanina si Ate Khia tinatanong kung kumakain ba ako ng adobong palaka tapos sumunod naman yung Mr. Mendez ngayon akalain mo nga naman idahilan ang traffic, ano 'to EDSA? Tapos ngayon naman itong tangang Ayan na ito sinasabi may galunggong ba sa Italy. Tanong ko sa inyo, naniniwala ba kayo na may galunggong sa Italy?



"HOY TAKAS MENTAL! SAAN KA NAMAN NAKAKITA NG GALUNGGONG SA ITALY? HUH!" Subukan niya lang na pilosopohin ako, papakainin ko talaga siya ng galunggong na galing sa Italy mamayang gabi!



"Hindi ka pa ba nag-sasalamin?" Ano naman ang kinalaman ng salamin sa galunggong?



"Nag-salamin na kaninang umaga, bakit sasabihan mo na naman na pangit ako?"



"Hindi! Nga pala, diba nagsalamin ka na? Ibig sabihin lang non nakakita ka na ng galunggong sa Italy... At buhay pa!"



"AAYYYAAAANNNN! BUMALIK KA DITO!" At tuluyan na nga akong nabaliw!



"AYAW KO NGA, HABULIN MO MUNA AKO.... PANGIT NA DEMONYONG GALUNGGONG!"



"BWESIT! TANGA! TANGINA! GAGO! PUNYETA! PUTANGINA MO! BUMALIK KA DITO TAKAS MENTAL!" LAHAT NA NG MGA MURA GUSTO KONG SABIHIN SA KANYA! HUMAN DA KA SA AKIN MAMAYA... TANGANG TAKAS MENTAL!

--------------------------------------------------------------------------------------------------

AYAN's POV

*DINNER TIME*

Hello! Ako nga po pala si Riyan Dylan Perez (pronounce as die-lan). You can call me RD, Riyan, Dylan or Ayan. Pero pag pinayagan ko po kayo na tawagin akong Ayan ibig sabihin lang non you are SPECIAL. Kasi ang tumatawag lang sakin ng ganyan ay ang close friends and family ko.



Meron nga pala akong identical twin, Riyan Vincel ang pangalan niya. Pero hindi porket identical parehas ng gwapo at cute. Sabi ni mommy dati noong buhay pa siya... Ako daw ang cutie baby niya tapos si Iyan naman daw ang gwapie baby niya.



Iyan ang nick name niya, kung may pag kakaiba kami syempre mayron din kaming pagkakaparehas at yun ay ang special treatment namin sa mga tao na nasa paligid namin. Pwede mo siyang tawagin ng RV, Riyan o Vincel... Pero wag na wag mo siyang tawagin ng Iyan lallo na pag hindi niya sinabi.



Pero pasensiya na at yan lang ang maikikwento ko sa inyo, baka matunaw na kasi ako sa mga nanlilisik na matang nakatitig sa akin. Sinabihan ko lang naman kasi siya na pangit na demonyong galunggong, ayun nagalit na. Ang inaasahan ko lang naman kanina eh maiinis siya tapos hahabulin ako. At nangyari naman yun, pero hindi ko inaasahan na kakalbuhin niya ako at sisikmurahan. Pero sa totoo lang hindi ko siya titigilan, ang cute niya kasing mainis, namumula lahat ng mukha niya aakalain mo na namumula siya dahil sa nakakain siya ng sili pero ang totoo pala namumula siya dahil sa inis. Ano ba yan, bigla na lang akong nauhaw.

Gangsters PropertyWhere stories live. Discover now