Chapter 29

294 5 0
                                    

Kanina pa ako kinukulit ng Theresa na ito about sa task ko daw. At wow lang ha! Sunod pa nang sunod sa akin kung saan ako mag punta.




"Papa Mark, kailan ba kasi natin gagawin yung task mo?" Hindi ko siya pinapansin, diretso lang akong naglalakad papuntang p.r.. Mas magandang doon ko na lang basahin at pakinggan ang binigay sa akin ni Jennie. Panigurado hindi ako magugulo doon. Hindi pumasok si Xander dahil pupunta siya sa U.S para puntahan ang kapatid nito. Si Steve naman nandon sa music room, panigurado kasama na naman ang piano doon o hindi kaya ay nasa library para mag sulat na naman ng bagong novel. Si Nathe naman ay paniguradong nasa cafeteria para kumain at magpa-display sa mga fans nito. At paniguradong hindi makaka-sunod 'tong si Theresa dahil bawal mag papasok ng iba sa p.r.





"Pwede ba tigil-tigilan mo ako. Hindi ko kailangan ng tulong mo!" inis na singhal ko sa kanya. Pero ang loka-loka ngumiti lang. Hindi ba siya marunong makiramdam na ayaw ko sa kanya?




"Alam ko naman yun eh! Pero ano bang paki alam ko... Basta ang mahalaga matulungan kita sa task mo kay Jennie!" masigla nitong sabi. Tsk. Buti sana kung maganda siya, eh punong puno ng pulbo yung mukha niya tapos yung eyeliner niya bangking pa, lipstick niya kulay itim, gulo gulo pa buhok niya. Para siyang hindi nag susuklay, yung suot niya na damit gusot parang hindi plantsado.




"Nagagandahan ka na ba sa akin?" matamis nitong tanong na may nalalaman pang beautiful eyes. Suck! Imbis na sagutin siya ay mas binilisan ko na lang ang pag lalakad para maka pasok na agad sa p.r. hindi na kaya ng mata kong makita ng matagal 'tong bruhang to. Baka matanggal pa eyeballs ko para lang hindi na matignan tong itsura niya.




"Papa Mark, antay naman!" mas lalo ko pang nilakihan ang paghakbang ko para hindi siya maka abot. Hanggang sa nakarating ako sa may p.r., agad ko na lang nilagay ang password at thumb print ko para maka pasok agad. Bago pumasok sinilip ko muna siya na tumatakbo.




"Okay... Mukhang hindi ka naman mamatay sa lagay mo!"







Theresa's POV


Ako ba talaga 'to? Fuck, kung hindi lang sana siya malapit kay Jennie baka siya pang inuna kong pinatay. Curse that client na gusto ipapatay yang XK na yan. Kailangan ko pang magmake-up ng ganto, magpanggap na baliw na baliw sa baklang 'yon.





"At talagang hindi man lang ako pinapasok sa room na 'to!" Maybe maglilibot muna ako para hanapin yung iba niyang kasama. Nakita ko na yung Nathe sa cafeteria, and guess what... Ayoko pang i-approact ang isang yun. Dalawa na lang ang hindi ko pa nakikita, no other than Alexander and him............my brother.



"Where could I find him?" Fuck, I almost forgot that when he's bored it's either he plays piano nor write novels. As of cue agad akong naglakad papuntang music building para iconfirm na nandon siya.

Gangsters PropertyWhere stories live. Discover now