Before Flight

1K 20 5
                                    


Bakit ganon si kuya? Bakit hindi na lang niya tanggapin ang katotohanan? Bakit? Bakit? Siguro mas mabuti kung pumunta na lang ako kung nasaan siya nagyon! Kasi sa mga oras na'to alam kung siya lang ang maari kung takbuhan ngayon at siya lang ang makakaintindi sa akin. Pero oo nga pala naalala ko naiwan ko nga pala yung bag ko sa private room nila kuya, nandun pa naman yung wallet ko. Buti na lang nandito yung susi ng mahal kong boyfriend.


"Mmmm. excuse me, ikaw ba si Jennie Cruz?" Isa rin 'tong asungot na'to, kung sino ka man? Pwede ba layuan mo ako at wala akong balak makipag-usap ngayon.


"Hala umiyak ka ba?" Ano naman ang paki-alam ng asungot na pakialamerong 'to. "Tara gulpihin natin yung nagpaiyak sayo!"


"PWEDE BA TANTANAN MO AKO KUNG AYAW MONG IKAW ANG GULPIHIN KO!" Bad mood na nga yung tao, maslalo namang dinadagdagan. Oh well, malaki naman ang naitulong niya para ilabas ko lahat ng inis ko. Pero mukhang mas lalo pa niyang dinagdagan.


"BAKIT BA SUNOD KA NG SUNOD SA AKIN?"


"EXCUSE ME! Hindi naman kita sinusundan ah! Pupunta lang ako sa 'Parking Lot' para puntahan ang 'baby' ko at saka wag ka ngang feeling diyan!"


"DEFFENSIVE MUCH ANG PEG"


"TOTOO NAMAN EH"


"BAKIT MO AKO SINISIGAWAN"


"HINDI NGA KASI AKO NAG SISINUNGALING"


"TAE MO"


"BILOG-BILOG" Yak ang kadirdir naman ng ugok na to, pero hindi ako papatalo dito. Ako kaya si 'Jennievil'


"BAKIT HINDI MO IDULOG KAY ATE CHARO"


"TULOG EH"


"EDI GISINGIN"


"MAHIMBING"


"EH, MUNING"


"BAKA KAMBING"


"IKAW BADING"


[1...2...3...4...5...]


"Boom! HAHAHA. Ang pangit ng itsura mo. HAHAHA. Parang tinutuhanan mo. HAHAHA. Yung mukha mo parang guilty!" HAHAHA. Kung makikita niyo lang itsura niya baka pati kayo humagalpak din sa kakatawa!


"Errr... Bakit ka ngumingiti para kang si Chuckie Doll sa itsura mo!" Bakit kasi bigla na lang siyang ngingiti? Kinilabutan tuloy ako kai baka isunod niyang ilabas yung kutsilyo niya tapos saksakin ako tapos...tapos... AISH! ANO BA YAN PARA NA AKONG BALIW DITO!

Gangsters PropertyWhere stories live. Discover now