Chapter 14: Last Day

450 15 2
                                    

XANDER's POV


Last day na ngayon ng photo shot ng kapatid ni Steve at sa wakas pag katapos nito makaka-uwi na rin kami. Hindi ko na talagang matiis na araw-araw makita ang pag-mumukha ng kapatid niya. Akalain mo yun kung makadada kagabi akala mo huling pagkakataon na niyang mag salita at wala ng susunod pa. At akalain mo yun tinawag niya pa akong Ampalaya King. Napaka walang kwenta talaga ng bunganga ng babaeng yun.



Flashback...


"Sino ba kasing nag-sabi sayo na umakyat dyan at makinig sa usapan namin. Akala mo naman kung ikakamatay mo na makarinig ng kwento ng pag-ibig ng kuya ko. Palibhasa kasi hindi ka pa nag kaka love life siguro kaya ka ganyan o baka naman nag karoon ka na yun nga lang hindi nag work out kaya ka bitter. Alam mo ikaw lang ang nakilala ko na sobrang pait ng pinapakitang ekspresyon, Ampalaya King." singhal sa akin ng kung anong pangalan ng babaeng ito. Nakakarindi ang kaingayan nito. Kung pwede lang na sulsulan ang bunganga ng babaeng ito kanina ko pa ginawa. Wala siyang paki alam kung makaistorbo pa siya ng mga tao basta ang mahalaga maka pag ingay siya.



"Aba ang kapal naman pala ng mukha mo na tawagin akong Ampalaya King. Ikaw na nga ang nang istorbo sa pag tulog ko ikaw pa ang may ganang magalit. Diba ako ang dapat na magalit dito kasi-"



"Sino ba kasi ang nag sabi sayo na pumunta ka dito? At sino rin ba ang nagsabi sayo na matulog ka dito? At sino rin ba ang nag sabi sayo na makinig ka sa usapan namin? Pwede ka namang umalis kanina sa pwesto mo pwede naman siguro na mag paraya ka na lang at umalis. Ede sana hindi ka na nag rereklamo dyan na naistorbo ka sa kaingayan namin ni Ate Akhia at isa pa lahat ng nakita at narinig mo kanina ay hindi lang kadramahan, lahat ng iyon ay totoo!" galit na singhal niya sa akin.


...End of Flashback




Dahil sa inasta niyang ganon, sisiguraduhin ko na mag-sisisi siya. Hindi ko na kailangan pang sabihin kay Steve na ang kapatid niya ang next target ko. Siya ang bago kong laruan. At sisiguraduhin ko na akin lang siya.



"More fierce please!" utos na paki-usap sa kanya ng photograper. Enjoyin niya na ang santuhin ngayong araw na ito dahil sisiguraduhin ko pag balik namin sa university magsisimula na akong pag laruan siya!



"OKAY! FIVE MINUTES BREAK!" sigaw ng baklang masungit na staff.



"YEHEY SALAMAT MAMA LOU! DEMON HINDI KA PA BA MAG ME-MERIENDA?" tanong ng kasama ata nilang model na lalaki. Tinignan ko ang mga kasama niya na mga model at ang mga ginagawa nila. Si Ayan na ang sama ng tingin kayla Mark na nag haharutan, yung ex ni Steve na nakatulala sa kawalan at hindi alam na kanina pa tinitignan ni Steve, yung isa nilang kasama na nag seselfie, at yung kapatid ni Steve na ang sama ng tingin sa... akin? Bigla siyang ngumisi tapos tumayo at nag lakad papalapit.. sa akin. Ano nanamang binabalak nito?



"Buti naman at hindi ka na bobore na nakatunganga lang dyan!" may himig pang aasar na sabi nito.



"Bakit naman ako ma bobore kung sa bawat paki usap sayo ng mga photograper ay may kasamang salita na DEMON! Hindi ba nakakatuwa at ang tawag nila sayo ay may hawig sa pagmumukha mo!" naka ngiti kong tugon dito.



"O... M... G! Am I just hallucinating? Totoo ba na ngumiti ka sa akin?" gulat na bulalas niya sa akin. Ano bang sinasabi niya? Ako ngumiti sa kanya? Nasisiraan na siguro siya.



"Ako nginitian ka? Bulag ka ba o tanga! Sa tingin mo kung ikaw ang makakaharap ko makakangiti pa ako sa tingin mo!" naiiritang sabi ko.



"Excuse me! Hindi ako bulag at lalong lalo na hindi ako tanga! Alam mo nagtataka ako sa kuya ko. Sa dinamidami ng magiging kaibigan bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa ang naging kaibigan niya?" galit na bulalas nito sa akin at saka ay pumunta kay... Ayan.



"Ayan I think you're right about what you said before!" narinig kong sabi niya kay Ayan. Naguguluhang tinignan ni Ayan ang kapatid ni Steve. As if naman na papansinin siya ni Ayan! At ano daw ang narinig kong tinawag niya kay Ayan? Kanino niya narinig ang nickname ni Ayan!



"What are you talking about?" nagtataka paring tanong nito.



"Sabi mo kagabi kung ayaw kong mawala ang isang tao na mahal ko kaillangan kong 'wag pag katiwalaan ang mga yun! Naniniwala ako sayo at isa pa mayron sana akong pakiusap sayo!"



"Ano yun?" tanong niya dito



"Maaari mo bang ikwento sa akin kung bakit galit na galit ka sa kuya ko at sa mga kaibigan nito? Lalong lalo na ang satanas niyang leader na dati mo ring leader ng gang!" tanong nito. Tsk. Just back out bitch! Wala kang makukuhang sagot kay Ayan, sinasayang mo lang ang oras mo!



"Pwede bang mamayang gabi na lang!" sagot nito. ANO? Kaming lahat ay tumigil sa kanya-kanyang gina-gawa namin at tinignan ng nagtataka ang dalawa. Paano nangyari yun? Hindi pala-kwento si Ayan ng mga bagay-bagay tungkol sa mga nakaraan niya. Imposible ring hayaan niya ang babaeng yan na tawagin siyang Ayan lalo na at kapatid pa siya ni Steve.



"Saktong-sakto pala may pinareserve na akong bar para mamayang gabi!" sabi nito at saka sumigaw ng napakalakas kaya lahat ng atensiyon ay nakuha niya. "LISTEN EVERYONE! THIS NIGHT OUR LAST NIGHT HERE IN ITALY! KAYA NAMAN MAG-PA-PARTY TAYO SA ISANG EXCLUSIVE BAR AS VIP PARA SA PAGPAWI NG PAGOD NATIN! THAT'S ALL!" sigaw niya



"NO JENNIE! HINDI KA IINOM! ALAM MO NAMAN SIGURO ANG NANGYARI SAYO NOONG LAST NA UMINOM KA... MUNTIKAN KA NANG MAMATAY!" sigaw ni Steve. Anong muntikan ng mamatay?



"Don't worry, my beloved devil brother! Hindi ako mamatay as long as hindi ako makaka-inom ng strawberry flavored wine at lalong lalo na hindi ako mamatay hanggang hindi ko natatapos ang misyon ko!"

Gangsters PropertyWhere stories live. Discover now