Chapter 28: First task

330 13 1
                                    

Mark's POV



~Maaaayy tumatawaaaag babyyyy koooo~



Anak ng..... Kailan pa naging ganyan ang ringtone ng phone ko. Bubungad sa umaga kong kay ganda ay boses ng baklang baboy na yun. Leche plan lang. Ang cool na nga ng panaginip ko. Akalain mo ba naman na napanaginipan kong nakikipag sex ako sa dalawang magandang babae tapos biglang nag iba ang scenario, napunta ako sa bar tapos naglalasing tapos nung lumabas ako napunta naman ako sa kotse ko pero ang nakakapag taka lang nasa loob ng elevator yung kotse ko.. O diba... Bongga ng panaginip kong to naputol nga lang nong biglang narinig ko boses ng demonyong baboy na bakla. Amputa lang.



Tinignan ko ang screen pero unregistered naman ang number. Sino naman tong anak ni hudas na tumatawag ng kay aga-aga. Five o'clock pa lang nang umaga.



"Hello! This is pogiiiing Mark speaking!" pambungad ko na halatang kakagising pa lang.




"Break time.... Roof top!" What the... Anong klaseng tao 'to?



"Sin- tooot tooot tooot" Tunguna this. Ang ganda ng sasabihin niya at talagang inistorbo pa ang pag gogorgeous-sleep ko.




(Fast forward na natin 'to)

Pagkababa ko sa parking lot ay wala akong nakitang sumalubong man lang sa akin. May kaibigan pa ba ako? Kasi feeling ko wala na.... Mamaya nga maglalagay ako ng wanted post sa bulletin board na 'Wanted Barkada: Gwapo, gwapo at gwapo' baka sakaling may mag-apply.



"Ahy.... Basurerang palaka!" nagulat ako ng biglang may sumundot sa pwet ko. Letchugas na naghugas... Sino naman ang sumundot sa napaka seksi kong pwetan? Tinignan ko ang nasa likod ko at... Juklang julalay, sana hindi na lang pala ako lumingon.




"Hi, papa Mark!" malanding sambit ng pangit na babae na punong puno ng make-up ang mukha. Lutsuging baboy 'to.




"MAMAAAAAA!" sigaw ko sabay takbo papuntang private room pero wrong move ata ako kasi bigla niya din akong hinabol. Liko, takbo't sigaw lang ang ginagawa ko para matakasan ang baklang yun. Naku kinarma ata ako sa pagtawa kay Nathe noong nirape siya ng bakla.



Maya-maya pa ay nakita ko si Jennie na naglalakad. Bongga ang babaeng to hindi man lang ako nakita.



"Papaa Mark! Di mo naman sinabi na maglalaro pala tayo ng habulan." tumatakbong sabi ni pangit. Sa gulat ko ay napatakbo ako kay Jennie at pumunta sa likod niya. Hindi siya nagulat sa halip ay tinignan lang ako ng diresto.



"Get lost!" sabi nito pero hindi pa din ako bumibitaw. Binigyan ko siya ng pampakilig-bulateng tingin pero straight lang mata niya na nakatingin sa akin. Ano ba yan! Tombs ba 'tong babaeng 'to? Hindi man lang kinilig sa akin.



"Papa Mark, sino siya?" humahangos na tanong ni pangit. Naabutan niya na pala ako? Tinignan ko si Jennie na naka tingin sa akin sabay baling sa bakla tapos balik tingin sa akin tapos kay bakla na naman. Anue ba, saan ba siya talaga titingin?



"Get lost! Hindi ako pumapatol sa pangit!" masamang tingin ko dito, pero ang pangit na to kinilig pa talaga. Jennie naman, tulungan mo naman ako.




Gangsters PropertyWhere stories live. Discover now