Chapter 21: Beginning of War

423 11 0
                                    

Xander's POV

Hinanap ko na siya kung saan saan pero hindi ko pa din siya nakikita. Saan ba nagsusuot ang babaeng yun? Wala pa naman akong cellphone number niya.



"Huh? Bakit naka-ilaw yung ilaw sa garden?"



Umi-ilaw lang yun pag may tao sa garden. Pumunta ako sa garden at doon nakita ko si Jennie na naka-higa sa damuhan habang tinitigan ang langit. Nagtago ako sa likod ng puno dito. Para hindi niya ako makita, tumingin din ako sa langit at madami ngang bituin ngayon.



Kimie, tignan mo! Ang daming bituin ngayon, diba paborito mo ang bituin! Kimie,kung nasaan ka man ngayon, panigoradong masaya ka na ngayon! At kung nakikita mo man at naririnig ako! Patawarin mo sana ako sa nangyari. Kung hindi lang sana kita niyaya na mamulot ng mga magagandang shells! Ede sana hindi ka nawala.



"K, sana kasama kita ngayon! Alam mo ba, tinanong ako kanina ni Drea kung ginagamit ko lang daw ba sila. Pero hindi ko siya nasagot!"



Umiiyak ba siya ngayon? Sumilip ako mula dito sa likod ng puno at nakita siyang umiiyak. Bakit parang ang sakit na makita kong umiiyak at nasasaktan siya?



"Punong puno ng bituin ang langit ngayon, K. Siguro isa ka sa mga yan! Unti lang ang naalala ko noon, pero may isa akong natatandaan na pangyayari! May kasama akong cute na batang lalaki, nakahiga kami sa damuhan at pinapanood ang mga bituin."



Humihikbi siya ngayon habang nakatingin sa bituin at kinakausap ang kapatid niya. Ano ba talagang nangyari sa iyo, Jennie! Bakit hindi mo lubusang matandaan ang nakaraan mo? Ang pagkakaalam ko hindi naman daw nawala ang buong memory mo.



Pero bakit hindi mo matandaan ang ala-ala mo noong bata ka? I think bukod sa car accident na nangyari sayo five years ago, may nauna pang aksedente na nang-yari sayo.



Umalis na ako sa puno na yun para mag-pakita sa kanya. Pero nang makarating ako sa harapan niya, aba tulog na tulog na!




Humiga ako sa tabi niya at tumingin sa mga bituin.



"Alam mo ba na plina-plano kong turuan ka ng leksyon dahil sa mga pina-pakita mong asal sa akin. I really hate you to the point na gusto na kitang mawala sa landas ko... But I think I can't do the anymore, because my heart starting to like you!" sabi ko sa kanya pero hininahan ko lang last line. Pagkatapos ay umalis na ako.

Gangsters PropertyWhere stories live. Discover now