< Angela's POV >
*ting ting ting ting*
Tumunog ang Shell Wind Chime na nakasabit sa pinto hudyat na may dumating na customer.
"Good afternoon sir! Welcome to Seaside Resto!" bati ko sa bagong dating na customer.
"Good afternoon din" sabi neto sabay ginala ang mga mata sa loob ng restaurant. Mukhang naghahanap ata ng pwesto. Medyo madami kasing customer ngayon. Halos regular customers namin ang nandito. Sunday kasi, walang pasok at trabaho kaya naman yung iba ay pinipiling kumain dito at tumambay. At siguro dahil narin maganda ang pwesto ng restaurant na ito ng tita ko. Nasa tabing dagat kasi. Kahit may kaliitan ito ay sobrang presko naman dahil bukas ang mga bintana at ramdam na ramdam ang sea breeze. At higit sa lahat, masasaksihan mo dito ang paglubog ng araw.
"Ahmm sir, dito po tayo?" sabi ko.
"Ha? A-ano? I mean sa-saan?" pabulol netong sabi. Nagulat ata nung nagsalita ako. Napangiti na lang ako at tinuro ang available na pwesto. Madaling pumunta ito doon at naupo. Sinundan ko sya para kuhanin ang order nya.
"Sir ano pong order nila?" i asked.
"Katulad ng dati".
Nagulat ako sa sinagot nito. Hindi ko matandaan na nakakain na sya dito sa restaurant. Lahat kasi ng regular customers namin ay kilala ko.
"Ha? Ano po yun?" pagtataka kong tanong saknya. Nakatingin ito sa menu na hawak hawak nya.
"Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong nito sabay tingin sa akin.
Umiling ako dahil hindi ko talaga sya matandaan. Bigla tuloy akong kinabahan.
"Nevermind." Sabi neto sabay balik ang tingin sa menu namin.
"Hmmm. Should i try this one? Mukhang masarap eh!" tanong nya sakin at tinuro ang isa sa special dishes namin.
"Opo naman sir! Sobrang sarap po niyan!" ngiting sagot ko. Hindi ko na lamang pinansin ang pagkaweird neto kanina.
"Waahh! Ang hirap pumili! Mukhang masarap lahat eh! Siguro ang oorder-in ko na lang ay yung katulad ng dati!....Right! Yun na lang!" sabi nya at tumingin ulit sakin sabay ngumiti ng napakalapad. Habang ako naman ay nagtatakang nakatingin saknya.
Umiling ito na parang may pagkadismaya sa mukha.
"Tsk. Hindi mo talaga ako matandaan noh? Kumain na ako dito last friday and i ordered Spicy tuna pasta and just a glass of water"
Ngayon malinaw na sakin ang lahat. Nakakain na nga pala talaga sya dito pero hindi ko talaga sya matandaan!
"Ay. Sorry po sir! Tatandaan ko na po kayo simula ngayon!" sabi ko at nginitian ko muli sya.
"Good aasahan ko yan!" yun na naman ang napakalapad nyang ngiti.
"So yun lang po ang order nyo?"
Lumingon lingon ito sa paligid at pinalapit nya ako sknya dahil may gustong ibulong sa akin.
"And a glass of milk, please" bulong neto. Gusto kong tumawa ng malakas pero ngumiti na lang ako kasi pagkabulong nya ay umayos muli sya ng pagkakaupo na parang patay malisya. Nahiya siguro sa binulong nya sa akin.
Nagsalita muli ito, "I don't drink coffee or tea, that's why!" at nagpalusot pa!
"Ahh okay po." paalis na sana ako pero muli nya akong tinawag at pinalapit muli saknya. May ibubulong na naman.
"Please put it in a cup, para hindi halata. Thanks." at kumindat pa ito.
Tumango na lang ako at tumalikod sa kanya at umalis para ibigay ang order nya sa counter. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Nakakatawa sya!
BINABASA MO ANG
I Honestly Love You
RomantizmThis is a story that will teach us how to love without any conditions. And it will also teach us that love is not foolishness if we give everything to the one we love, instead, it shows that we are just brave enough to give up everything just for he...