Best. 1

2.1K 115 10
                                    


* Maine's POV

Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa labas ng kwartong inuupahan ko. Pupungas-pungas na tinignan ko ang oras sa alarm clock ko, alas dose na ng gabi. Wala namang ibang kakatok at mang iistorbo sa akin ng ganitong oras kundi sya lang. Ang bestfriend ko lang.

Tumayo ako para pagbuksan ang kumakatok. Pagbukas ko, agad kong nakita si Alden na nakasalampak na sa semento. Nakayukyok ang mukha nya sa dalawa nyang braso.

" Best! Ano na naman bang nangyari sayo?! " sabi ko bago ako yumuko para tapikin sya sa braso.

Nag-angat si Alden ng paningin bago nagsalita. " Best, nag-away kami ni Ella eh. "  sagot ni Alden. Halatang nakainom.

" Sus ano bang bago? " napapalatak ako sa narinig. Totoo naman, wala namang bago sa pag-aaway nila ng girlfriend nya eh. " Halika nga muna sa loob, magkape ka nga muna. "

Nagtangkang tumayo si Alden pero nabuway sya dahil sa kalasingan.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakapa mewang. " Haayy naku Alden Richards! Wag mong asahan na aalalayan kita. Naabala mo na nga ang pagtulog ko eh. "

" Pasensya na best... " muli syang nagtakang tumayo pero hindi talaga nya kaya.

Napailing na lang ako bago ko sya muling lapitan para alalayan. " Halika na nga. Alam na alam mong hindi kita matiis nho, kaya ako ang palagi mong inaabala " sermon ko sa kanya. Inalalayan ko na sya papasok sa loob ng bahay ko. Nang makapasok, agad ko syang iniupo sa sofa. " Ambigat mo! Kaiinis ka! "

" Salamat, best. At pasensya na ulit ha. "

" Sus napaka drama mo, best! Teka lang, ikukuha kita ng kape ha, para mahimasmasan ka naman. "

Tumalikod na ako para pumunta sa kitchen. Agad kong tinimplahan ng kape si Alden. Matagal na kaming magkaibigan ni Alden. Highschool pa lang kami, hanggang ngayon na 4th year college na kami. Pareho kaming galing sa Nueva Ecija, doon kami nag highschool. Pero noong nag college na kami, dito na sila sa Maynila tumira. Sakto naman na dito na rin ako sa Maynila pinag-aral nina Nanay kaya noong unang taon ko dito, sa bahay nila ako tumutuloy. Kaso nahiya na ako kahit mabait sa akin ang pamilya ni Alden, kaya noong ikalawang taon ko,  nagsabi na ako kina Nanay na bubukod na ako. Pinagbigyan naman nila ako, kaya ngayon ay dito ako nakatira sa apartment na malapit lang din sa university namin.

Binalikan ko na si Alden sa sala na naabutan kong nakasandal at nakapikit. Marahan ko syang tinapik sa braso bago ko ibigay ang kape.

" O, magkape ka muna. "

Agad syang dumilat at kinuha ang kape na binigay ko. " Salamat, best. "

" Alam ba nina Tita na nandito ka? "

" Oo, nag text ako sa kanila kanina, sabi ko dito na ako matutulog. "

" Matutulog? Bakit pumayag ba ako? "

" Alam ko naman na papayag ka best.. "

" Ganun? Eh kung hindi, may magagawa ka ba? "

" Alam kong hindi mo ako matitiis best, kaya nga bestfriend kita eh. "

" Kaya inaabuso mo! Napaka ano mo talaga!" sabi ko sabay palo sa braso nya.

" Aray naman, best. Masama na nga ang loob ko, sinasaktan mo pa ako. "

" Wow ha, ako pa talaga mag- aadjust? So ano na namang problema mo? "

" Si Ella kasi, nagkita kami kanina. Yun nagkasagutan na naman kami. Eh oras lang naman ang hinihingi ko sa kanya, ganun ba kahirap ibigay yun? "

BriefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon