Blunder 2

1.4K 118 41
                                    

*Dei's POV

Nang makarating ako sa condo ko, agad kong inopen ang laptop ko. Isa-isa kong dine activate ang mga social media accounts ko. Mahirap nang sumugal dahil sa katangahan ko kagabi. May possibility kasi na hanapin ako ng lalaking yun. Hindi na dapat masundan ang pagkikita namin. Tama na yung isang beses na nagkamali at nagpakabaliw ako. Saka sa dami ng tao sa Pilipinas, napakaliit na siguro ng chance na magkita ulit kami.

Ang ipinagdadasal ko lang ay wag syang magkalakas loob na puntahan ang address ko sa Bulacan. Kundi may posibilidad na malaman ng parents ko ang nangyari. Doon kasi ang address na nakalagay sa lahat ng mga IDs ko, kaya wag naman sana.

" Dei, san ka galing kagabi? " napapitlag ako nang biglang sumulpot sa likuran ko si Dean. Si Dean ang bunso kong kapatid. Kaming dalawa ang magkasama dito sa condo dahil malapit lang ang school nya dito.

" H-ha? Ahhh.. N-nagkayayaan kami ng mga ka office mates ko. Napainom ng konti. "

" Hindi ka man lang nag text sa akin? Kagabi pa ako nag aalala. "

" Yun na nga. Nasira kasi ang phone ko kaya hindi kita na inform. Pero okay naman ako, doon kami sa place ng ka office mate ko natulog. Sorry, Dean. " napakagat-labi ako habang nagsasalita. Hindi kasi talaga ako sanay na magsinungaling. Wag naman sanang makahalata si Dean.

" Next time Dei, magsabi ka sa akin ha. Kahit naman mas matanda ka sa akin, sagutin pa rin kita kina Nanay dahil ako ang lalaki. "

" Awww.. Yup brother. Hindi na mauulit. " tumayo ako at niyakap ko sya mula sa tagiliran. " Thank you sa concern and sorry kung nag alala ka. "

Tinapik nya ako sa balikat bago muling nagsalita. " Okay lang yun Dei kasi okay ka naman. Ayaw ko lang may mangyaring masama sayo. "

" Yeah. I know naman na kahit palaging sablay ang mga desisyon ng ate mo, alam ko na palagi kang nandyan sa tabi ko to protect me. "

" Syempre, ayaw ko kasi na masasaktan ka na naman. "

" Thanks again. I love you brother. "

" Yuck, nakakadiri ka!"

Natatawang bumitaw ako sa kanya. " Ah ganon! Edi hindi kita love, nakakadiri pala ha. "

" Hahahahaha. I love you Dei, as if naman I have a choice. "

" Oo hahahaha. Kaya kahit ako ang pinaka annoying mong sister, wala kang choice okay? "

" I know. " natigilan si Dean habang nakatingin sa screen ng laptop ko. " Teka bakit nagde deactivate ka ng mga social media accounts mo? "

" H-ha?? A-ano kasi, Dean. Ahh.. Masyado na kasing toxic sa social media, kaya nag deact muna ako. "

" Owws?? Baka may pinagtataguan ka lang? "

Muli akong napakagat-labi sa tanong nya. Nakakarami na ako ng pagsisinungaling kay Dean.

" Ha? Sino naman ang pagtataguan ko? "

" I don't know. Maybe yung ex mo? Tell me, ginugulo ka pa ba nun? "

" Hindi na Dean. Ang kapal naman ng mukha nya kung guguluhin nya pa ako after ng ginawa nya sa akin. "

" Good, basta sabihin mo kung ginugulo ka ng mukhang pugo na yun."

" Yep, no need to worry brother. "

" Sige na Dei, papasok na ako. Baka malate na naman ako. "

" Sige. Mag iingat ka ha. "

BriefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon