Blunder 4

1.4K 131 46
                                    

Warning!!! 🚧🚧🚧🚧🚧🚧

Ang susunod na eksena ay bumabaha.....


Bumabaha ng sabaw. 😂😂😂😂

Akala nyo kung anong warning nho?? 😆😆😆

*Dei's POV

Kung may kakayahan lang akong mag teleport malamang ginawa ko na kanina. O kaya bumuka na lang sana ang lupang kinatatayuan ko para bigla na lang akong mawala. Kung pwede lang sana. Of all places, dito pa talaga kami sa Quentin's muling magkikita??!! Anong klaseng biro ng tadhana ang nangyayari sa akin? Hindi naman ako makasalanang tao. Well, oo nagkakasala ako pero hindi masyado. Mga petty crimes lang naman ang mga nagagawa ko sa buhay ko so far. Pero bakit kami pinagtagpo ulit??!! At teka ano nga ulit sya dito? Ah... general manager for God's sake!

Alam kong nakilala nya ako kanina. Hindi maipagkakaila ng mga mata nya na natandaan nya ako. Hindi lang sya nagpahalata. Alam kong gusto nya akong kausapin noong palabas na kami ng function room, hindi lang sya naka tyempo.

" Dei! Ano ba kasing kagagahan ang pinagagawa mo sa buhay mo? Paano ngayon yan, magkasama kayo dito sa Quentin's? " inis na sermon ko sa sarili. Gusto ko nang iuntog ang ulo ko sa pader!

" Ma'am Dei, excuse po. Hinahanap kayo ni Ma'am Camilla. " naputol ang pagsisimyento ko ng may magsalita sa likod ko. Agad kong nilingon ang nagsalita. Si Alex pala ang isa sa mga waiter ng Quentin's.

Isa lang naman ang kakilala kong Camilla sa restaurant na ito. Walang iba kundi ang secretary ni GM. At ano nga ulit ang pangalan ng GM namin? Ah Richard Faulkerson pala!

" H-ha bakit daw? "

" Hindi ko po alam Ma'am eh. Nandoon po sya sa bungad ng kitchen. "

" Sige Alex, pupuntahan ko na lang. Thanks."

" You're welcome po Ma'am. "

Nang makalabas ako ng kitchen, agad kong nakita si Ms. Camilla.

" Ms. Camilla, h-hinahanap nyo daw po ako? "

" Yes, Ms. Dei. Gusto ka sanang makausap ni GM sa office nya. "

Ito na nga ba ang sinasabi ko! " H-ha? Bakit daw po? "

" Hindi nya sinabi eh. Ang mabuti pa puntahan mo na lang sa office nya, Ms. Dei kapag hindi ka na masyadong busy. "

" Ahh okay po. Susunod na lang po ako, bibilinan ko lang po ang mga tao ko para sa mga ihahanda nila for today. "

" Okay Ms. Dei. I'll go ahead. "

" Okay po Ms. Camilla. "

Nang maka alis si Ms. Camilla, saka lang tuluyang nag sink in sa akin ang mga pangyayari. Gusto nya akong makausap. Ibig sabihin talagang nakilala nya ako. At natatandaan nya ang nangyari sa amin!

Bago ako tuluyang lumabas ng kitchen, nagbilin muna ako sa assistant ko. Nang matapos, naglakad na ako papunta sa opisina ni GM.

Habang naglalakad, abot-abot ang kaba ko. Para rin akong may kinakaladkad na kadena dahil sa bigat ng mga hakbang ko. Inuusal ko rin na sana ay tungkol sa trabaho ang pag-uusapan namin ni GM. Sana naman he's professional enough para i set aside muna ang pangyayari nang gabing yun.

" Oh God... Please naman po. "

Sa sobrang balisa ko, hindi ko na namalayan na lumagpas na pala ako sa opisina ni GM. Napailing na lang ako bago naglakad pabalik. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

BriefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon