Best. 3

1.3K 131 40
                                    


* Maine's POV

Kanina pa tawag nang tawag si Alden sa cellphone ko pero kahit isa wala akong sinasagot. Akala ko matitiis ko sya, hindi pa rin pala. Dahil sa pang sampung missed call nya, sinagot ko pa rin ang tawag nya.

" Hello. "

" Best, bakit ang tagal mo sagutin? Busy ka ba? "

" Alden naman, mag aalas onse na oh. Natural matutulog na ako. "

" Hindi ka natutulog nang ganito kaaga best. Alam ko kung gaano ka kababad sa cellphone mo, inaabot ka pa nga ng 4 am eh. "

Huli. Hindi talaga ako makakapagsinungaling kay Alden.

" Okay, anong kailangan mo? "

" Simula kahapon noong  tinawagan kita hanggang ngayon, hindi mo ako tinext. Ngayon naman ang tagal mong sagutin ang tawag ko. Hindi ka naman dating ganyan eh. Tell me, galit ka ba? "

" Ghad Alden, diba sabi ko naman sayo kahapon hindi ako galit? Sobrang busy lang talaga ako sa school. "

" Galit ka eh, Alden lang ang tawag mo sa akin. "

" Best! Oh ayan ha. Naasar na ako ha, tigilan mo na ako. "

" Hahahahaha! Buksan mo na nga lang tong pinto, nangangawit na ako sa mga dala ko. "

" Ano??!!"

" Sabi ko pakibuksan yung pinto. "

" Niloloko mo lang ako eh. Sasapakin talaga kita! "

" Paano mo ako masasapak,eh ayaw mo ngang buksan ang pinto? Hindi kita niloloko, sisipain ko yung pinto para maniwala ka na nandito ako sa labas. " sabi nya sa kabilang linya. Makalipas ang ilang segundo, nakarinig ako ng lagabog galing sa pinto.

Nandito nga si Alden! Agad akong napabalikwas sa kama ko. Patakbo akong lumabas ng kwarto ko para pagbuksan si Alden. Bakit ganun, kahapon lang nagtatampo ako sa kanya. Ngayon naman para akong sinilihan nang malaman kong nandito sya sa bahay ko. Bigla atang nahugasan ang tampo ko. Ganun ba ako kahina kay Alden?

Pagbukas ko ng pinto nabungaran ko kaagad si Alden. Bitbit ang isang box ng pizza sa kabilang kamay. Habang sa kanang kamay nya bitbit nya ang plastic na may soft drinks at junk foods.

" Ba't ganyan ka makatingin? Para kang nakakita ng multo best? "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Ba't ganyan ka makatingin? Para kang nakakita ng multo best? "

" Bakit nandito ka? "

" Good evening best. " ngiting-ngiti nyang sagot sa akin.

" Anong ngang ginagagawa mo dito? "

" Ganyan na ba ngayon ang tamang pagbati ng good evening best? Nasaan ang manners mo? " natatawang sabi nya. " Excuse nga, papasukin mo ako. Nangangawit na talaga ako. " nilagpasan nya ako at dumiretso sya sa sala ko. Inilapag nya sa center table ang mga dala nya bago prenteng naupo sa sofa.

BriefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon