Best. 2

1.4K 131 40
                                    

For you yung song meshie xtinkyxbellax16 !! Hahahaha pasensya na sa nilagang keso, pero kasi ikaw ang naalala ko sa kantang yan. Basta thankful ako na naging meshie kita!! Okay keso button off ulit!  😆😆😆😆 Hahahahaha 😅😅😅

* Alden's POV

Pupungas-pungas na bumangon ako mula sa kihahihigaan ko. Napangiwi ako dahil sa sakit ng ulo ko dahil sa nainom ko kagabi. Ito ang ayaw ko kapag umiinom eh, yung hangover. Kung hindi naman kasi kami nagtalo ni Ella kagabi, hindi ako iinom eh. Speaking of Ella, galit pa rin kaya sya?

Agad kong hinagilap sa bag ko ang cellphone ko. Nang mahanap, agad kong dinial ang number ni Ella. Pero nakakailang ring na, hindi nya pa rin sinasagot. Tanghali na, imposibleng tulog pa yun. Baka nasa work na sya. Dismayadong ibinalik ko sa bag ko ang cellphone ko. Magluluto na nga lang ako ng almusal, pambayad ko man lang sa pang aabala ko kay Meng kagabi.

Naligo muna ako para mahimasmasan. Buti na lang at palagi akong may extrang damit sa kotse ko para sa mga biglaang pangyayari katulad nito kaya may pamalit ako. Nang makaligo,agad akong naghalungkat sa ref ni Meng ng mga lulutuin. Palagi naman ako sa apartment ni Meng kaya kabisado ko na ang mga gamit nya. Saka sa tagal ng friendship namin, alam na alam ko na ang mga pagkaing gusto nya.

Napangiti ako habang nagluluto. Naalala ko kasi si Meng saka yung pagkakaibigan namin. Ang dami na rin naming pinagdaanan. Mga maliliit na tampuhan, mga misunderstandings na hindi rin naman namin pinalalaki. Kaya siguro ganito na ka strong ang friendship namin kasi nalalagpasan na namin yung mga ganung phase.   Ewan ko ba kung bakit hindi ako nagka interest sa kanya sa romantic na paraan. Sobrang platonic lang talaga ng pagkakaibigan namin. Or maybe ayaw ko lang din masira ang pagkakaibigan namin kaya hindi ko na rin sinubukan. Isa kasi sya taong hindi ko ma iimagine na mawala sa buhay ko.

Patapos na ako sa niluluto ko ng marinig ko ang boses ni Meng na nasa likod ko na pala.

" Aba... maganda palang nalalasing ka nho? Sinisipag ka eh. " nakangiti nyang bungad sa akin.

" Grabe ka naman best, palagi naman kitang pinagluluto ah. "

" Oo palagi, kapag hindi ka brokenhearted. Ngayon mo lang ako nilutuan nang magkaaway kayo ng Ella mo. Unless na okay na kayo? "

" Hindi nga sinasagot ang tawag ko eh. "

" Baka naman nasa work na best, maging considerate ka rin kasi. "

" Palagi na nga akong umuunawa best alam mo yan, minsan nakakapagod din pala. "

" Hindi ka na lasing oi! Wag ka nang magdrama! " sabi ni Meng sabay bato sa akin ng pot holder. " Halika na nga luto na ata yang sinangag, kain na tayo. Baka magkaiyakan pa tayo dito. "

" Ito naman, bakit ba masyado kang brutal sa akin best? "

" Eh kasi nga nagugutom na ako. Maupo ka na ako na ang maghahanda ng breakfast natin. "

" Oi hindi ah. Ako na. Bayad ko to sa mga atraso ko sayo, saka sa mga perwisyo ko sayo best. Kaya maupo ka na dyan, ako na ang bahala dito. " sabi ko bago ko sya hawakan sa magkabilang balikat at inalalayan ko na sya sa pag-upo.

" Sus may nalalaman ka pang bayad ha. As if naman na matitiis kitang matulog sa labas. "

" Kaya nga eh, alam ko naman na kahit anong gawin ko best, andyan ka pa rin. " sabi ko habang inilalapag ko sa table ang plato ng sinangag. Isinunod ko ang plato ng bacon at itlog. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa aming dalawa. Nang matapos maghain, umupo na ako sa harap ni Meng.

BriefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon