Chauffeur. 7

1.2K 123 41
                                    


* Maine's POV

Natapos na rin sa wakas ang business conference ko dito sa Rizal. Gustuhin ko mang sa resort mag overnight para hindi na ako bumyahe pabalik ng Maynila, hindi pwede dahil may early commitment naman ako bukas. Kaya kahit pagod na ako at medyo lumalakas na ang ulan, pinilit ko ang driver ko na bumyahe kami. Ano nga bang pangalan ng hambog na 'to? Oo nga pala, Alden.

Napakayabang din talaga ng lalaking ito kaya lalo akong naiirita sa kanya eh. Ipagpilitan ba naman nung nakaraan na crush ko daw sya?! Eh napatingin lang naman talaga ako sa kanya. Nag iisip kasi ako kaya medyo napatagal ang pagtitig ko sa kanya. Iniisip ko kasi yung sinabi nyang ' gumaganda daw ako lalo kapag nakangiti '. Napaka bolero! Akala naman nya madadala nya ako sa mga pahaging nyang ganun! Antipatiko, mayabang, bolero at antipatiko ulit! Nasa kanya na ang lahat ng ugaling ayaw ko sa lalaki. Tapos ang lakas ng loob nyang sabihing crush ko sya?!

" Ms. Mendoza, poging-pogi ka na naman ba sa akin? Nakatitig ka na naman dyan eh. " putol nya sa pananahimik ko. " Kanina pa ako nagtatanong sa inyo, hindi nyo ako sinasagot. "

" Ano na naman ba ang problema mo? "

" Kitam! Hindi ka nga nakikinig sa sinasabi ko. Ms. Mendoza, kanina pa kasi kita tinatanong kung sigurado kang ituloy natin yung byahe natin pauwi. "

Inirapan ko sya bago sumagot. " Kanina ko pa rin sinabi sayo na may importante akong lakad bukas diba? Kaya hindi pwedeng mag overnight dito. Alin sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan? "

" Naintindihan ko naman ang lahat, Ms. Mendoza. Yung bagyo ang hindi kayo iniintindi. Tignan mo sobrang lakas na ng ulan. "

" Bakit, dadami ka ba pag nabasa ka? "

" Tsk hindi yun, Ms. Mendoza eh...Concern lang ako sa safety natin. Tignan mo, halos zero visibility na sa labas." sabi nya sabay turo sa labas ng bintana ng kotse ko. " Ayoko pang mamatay, Ms. Mendoza. Sayang ang maganda kong lahi, hindi ko man lang makikita. "

" Wala akong pakialam sa pinagyayabang mong magandang lahi. Importante ang lakad ko bukas kaya hindi pwedeng hindi tayo umalis dito. "

" Basta Ms. Mendoza, huwag nyo akong sisihin kapag may nangyaring masama sa atin ha. Winarningan na kita. "

" Pwede ba mag drive ka na lang? Naiirita na ako sa ingay mo sa totoo lang. "

" Teka, gusto mo lang ata ng jokes ko eh. Gusto mo ba Ms. Mendoza? "

" Gusto ko ng katahimikan. Yun lang. "

" Fine Ms. Mendoza. Punta tayo sa sementeryo, dun siguradong tahimik. "

" Shut up. "

" Hahahaha. Ang sungit pa rin. Teka Ms. Mendoza, bakit sobrang traffic ngayon? Kaninang umaga hindi naman ganyan diba? " sabi nya sabay sipat sa kumpol ng mga sasakyang nasa harap namin.

Hindi ako kumibo pero tinignan ko rin ang tinitignan ni Alden. Ang traffic nga.

" Saglit lang Ms. Mendoza ha, bababa lang ako para tignan kung ano ang nangyari. " sabi nya sabay suot ng jacket nya. Bago sya lumabas, nilingon nya ako. " Dyan ka lang Ms. Mendoza ha, babalik agad ako. "

" As if naman makakaalis ako dito eh umuulan."

" Sabi ko nga Ms. Mendoza. " sabi nya bago tuluyang bumaba.

Makalipas ang ilang sandali, tumatakbong bumalik sa kotse si Alden. Bagamat nag alala ako dahil basang- basa na sya ng ulan, pinili ko na lang na manahimik.

BriefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon