Chauffeur. 1

1.4K 129 35
                                    

* Alden's POV

" Kuya A!!  Buti na lang dumating ka na!!! " sigaw ng bunso kong kapatid na si Rizza.

" Napaano ka ba?? Maka react ka akala mo may paparating na tsunami. "

" Eh kuya kanina pa kasi kita hinihintay. Actually kahapon pa. Hindi ko lang nasabi sayo sa bahay kagabi. "

" Diba sabi ko sayo may inasikaso ako sa south branch natin kaya wala ako kahapon? May problema ba? "

" Oo kuya malaking problema. "

" Ano ba yun? "

" Eh kasi yung isa nating kliyente kahapon pa tumatawag, pina follow-up nya yung driver na kapalit ni Bernard Francisco. Natatandaan mo yun? Yung driver natin na inatake sa puso?  "

" Oo. Wala pa ba syang kapalit? "

" Wala pa kuya. Puro janitors saka mga kasambahay ang nag aaply sa atin sa ngayon. Tumawag din ako sa south, wala rin silang maipadala. "

" Kahit reliever? "

" Oo kuya. Eh napaka demanding pa naman nung kliyente nating yun. Kung pwede nga lang i turn down na lang natin, kaso sayang din kasi kuya. Isa sya sa mga pioneer na kliyente natin."

" Kailan mo nakausap? "

" Kanina kuya. "

" Anong sabi mo? "

" Sabi ko gagawan ko ng paraan. Tapos sabi nya siguraduhin ko daw. Kailangan daw bukas may maipadala tayo. Tatawag daw sya ulit mamaya, para i follow-up."

" Then? "

" Sabi ko, Yes Ma'am sure na sure po yun! Promise!"

" Sure na sure? San ka kukuha ng tao? "

" Eh yun na nga kuya, kaya namomoblema ako. "

" Bakit kasi sinabing mong sure na sure? Rizza naman...."

" Ang scary nya kasi kuya. G n G kaya sinabi ko yun. "

" G na G? "

" Galit na galit kuya. Kuya please gawan mo ng paraan. "

" Sabi ko naman kasi sayo huwag kang mag a assure basta basta eh. Paano ngayon yan? "

" Sorry na Kuya A. Nakakatakot kasi sya. Parang anytime lalabas sya sa telephone kanina. "

" Sorry ka dyan. Sige na pag tumawag ulit, ako na ang kakausap. "

" Talaga kuya?! Huhuhu salamat Kuya A ko!! Alam mo ang gwapo mo lately. "

" Sus biglang naging gwapo. "

" Oo nga Kuya. "

" Sige na dito lang ako sa loob ng office. Tawagin mo na lang ako pag tumawag ulit."

" Okay kuya. Thanks! "

" Welcome, Rizza. Wag mo na uulitin yung ganyan na mag aassure ka agad ha. "

" Yes Kuya A. "

" Sige, dito lang ako. "

Napailing na lang ako habang papasok sa opisina ko. Ako ang nag mamanage ng family business namin. Ang Faulkerson Manpower Services. Bago lang din ako sa pagma manage ng FMS. Four years pa lang after ng pagkamatay ng mga parents namin. Iniwan nila sa amin ni Riza ang FMS para ma secure ang future naming magkapatid. Namatay sila dahil sa car crash four years ago sa Baguio. Simula noon ako na ang tumayong guardian kay Riza. Ako na rin ang nag manage ng naiwang negosyo ni Daddy. Nawala ang pagiging happy-go-lucky ko dati dahil kailangan kong maging responsible para sa amin ni Rizza.

Maliit lang din ang business namin. Although may dalawang branch na sya. Nagha hire kami ng mga kasambahay, janitors at drivers at ipinapadala namin sa mga clients ng FMS. Sa ngayon, hindi pa namin kaya ang magpadala ng maramihan dahil nga bago pa ang FMS. Puro mga paisa-isang demand lang muna ng kaya namin.

Napangiti ako ng dumako ang mga mata ko sa family picture namin na nakapatong sa table ko.

" Hi Mommy. Hi Dad. Kamusta na po kayo dyan? Kami po dito ni Rizza, okay naman po. Namimiss kayo pero kinakaya po namin. I know na proud po kayo sa amin dahil napapatakbo namin ng maayos ang business na iniwan nyo. Sayang nga lang at wala na kayo dito para makita po yun. Pero wag po kayong mag alala, okay lang po kami ni Rizza. Wag din po kayong mag aalala kay Rizza. Kahit na minsan makulit si bunso, alam ko po na palagi nyang baon yung mga bilin nyo. Mahal na mahal ko po kayo. "

Naputol ang pagninilay ko ng makarinig ako ng katok mula sa labas ng opisina ko. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Si Rizza ang bumungad sa akin.

" Kuya, tumawag na ulit...." sabi ni Rizza sabay turo sa telephone na nasa desk nya.

" Ano bang pangalan ng client natin? "

" Ms. Mendoza Kuya A. Sabi ko tatawagin lang kita. Nakakatakot talaga sya. "

Agad akong lumapit sa telephone para kausapin ang sinasabi ni Rizza.

" Hello Ms. Mendoza, good afternoon. This is Al---"

" Maipapadala nyo ba bukas ang driver na nire request ko? " putol ni Ms. Mendoza sa sinasabi ko.

Bumuntong-hininga ako bago sumagot. " Ma'am sa ngayon po kasi wala pa kaming maipadalang driver sa inyo, wala pa po kasing available eh. "

" Walang available?? Pero sinabi ng kausap ko kanina na sure daw na may ipapadala bukas? Anong klaseng serbisyo ang meron kayo? On-time naman akong magbayad, madalas nga advance pa. Tapos sasabihin nyo na walang available? "

Tumingin ako kay Rizza bago muling sumagot. " Pasensya na po talaga, Ms. Mendoza. Kung makakapaghintay po kayo, within this week po, sure na po yun. "

" No. Kapag wala pa rin kayong maipadala bukas, sa iba na lang ako kukuha. "

" Ms. Mendoza, please --" naputol ang pagsasalita ko nang ibaba ni Ms. Mendoza ang kabilang linya.

Napatingin sa akin si Rizza nang ibaba ko ang telepono.

" Diba Kuya A, ang scary nya? "

" Rizza, gusto mo bang maging scary din ako? "

" Kuya naman eh. Natatakot na ako sa Ms. Mendoza na yun. "

" Rizza naman kasi. Pinapasubo mo ang FMS sa ginagawa mo. "

" Kuya gawan na lang natin ng paraan. Kung marunong lang akong mag drive, kahit ako na lang mun sana eh. "

Muli akong napatingin kay Rizza bago nagsalita.
" Give me her complete address, Rizza. ASAP. "

" May ipapadala ka na kuya? "

" Basta, isunod mo sa opisina ko yung address. "
sabi ko bago pumasok sa office ko.

" Yes, Kuya A. "

A/N: ibang story na po tayo mga Ka-Brief!!! 😂😂😂😂 . Walang prompt, walang pa visual wala ring pakanta😅😅😅😅

-feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat ulit 😘😘😘😘

- tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz ha. Paki follow na rin si meshiegoals . Thanks!

- all errors were mine.

BriefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon