Chauffeur. 10

1.1K 129 34
                                    


* Maine's POV

" Good morning po Manang. " bungad ko kay Manang na noon ay abala sa paghahanda ng almusal.

" Good morning, Meng. Kakain ka na ba? Teka maghahain lang ako. "

" Ay wag na po, Manang. Magbabaon na lang po sana ako, sa office ko na lang po kakainin. Nagmamadali na rin po kasi ako. "

" Ayy ganun ba, iha? Saglit lang at ipagbabalot na kita ha. "

" Okay po, Manang. Salamat po. Sa kotse ko na lang po hihintayin. "

" Sige, Meng ihahatid ko na lang dun. Ayy sya nga pala, nag request ka ba ng bagong driver? "

Nagtatakang tinignan ko si Manang bago muling nagsalita. " Hindi po Manang, bakit po? "

" Eh bago na kasi yung driver na naghihintay sayo, Meng. Tsinek ko kanina galing sa FMS. "

" Seryoso ka po, Manang? "

" Oo, Meng. Kala ko naman pinapalitan mo si Alden, dahil palagi kayong nagbabangayan. "

May kung anong matulis na bagay ang tumusok sa puso ko sa narinig. Umalis na talaga si Alden nang hindi man lang nagpapaalam? Pero bakit? Hindi nya na ba natagalan ang ugali ko? Pero sana man lang nagpaalam sya. Tatangapin ko naman.

Tumikhim muna ako bago ako muling nagsalita, para kasing may nakabara sa lalamunan ko. " L-lalabas na po ako Manang. Sa kotse ko na lang po hihintayin yung pagkain. "

" Okay ka lang ba Meng? " nag-aalalang tanong ni Manang.

" H-ha? O-okay lang po Manang. Lalabas na po ako. "

" Sige Meng, isusunod ko na ang baon mo. "

" Thanks po Manang. " sabi ko bago ako lumabas ng kitchen. Mabigat ang mga hakbang ko habang papunta ako sa parking. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko nang malaman ko na wala na si Alden. Driver ko lang naman sya diba? Saka inis na inis ako sa kanya kaya dapat hindi ako ganito kalungkot sa pag-alis nya. Pero bakit ganun? Parang pakiramdam ko may kulang?

Napabuntong-hininga ako bago ko pinilit na iaalis sa isip ko ang nararamdamang lungkot.
" Naninibago ka lang Meng, pero masasanay ka rin. Sanay ka naman na palaging iniiwan diba? Madali na lang yan sayo. Saka driver mo lang yung Alden na yun, kaya dapat hindi ka malungkot ng ganyan. " pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Mapakla akong ngumiti nang makalabas ako ng bahay dahil bumungad sa akin ang bago kong driver. Nakatayo sya sa gilid ng kotse ko at hinihintay ako. Totoo ngang wala na si Alden.

" Good morning po, Ma'am. Aldrin Flores po from FMS. " sabi nya sabay bukas ng pinto.

Hindi ko mapigilang mapapalatak nang marinig ko ang pangalan ng bago kong driver. Aldrin, halos katunog ng Alden. Yung totoo nanadya ba ang FMS?

" Good morning Aldrin. Bakit ka pinadala ng FMS? " tanong ko bago sumakay.

" Dito po ako inassign ni Ma'am Rizza, Ma'am. Kailangang-kailangan nyo daw po kasi. "

" Ah, okay. "

" Aalis na po ba tayo, Ma'am? "

" Saglit lang, hintayin lang natin si Manang. "

" Okay po. "

Ilang saglit pa ay dumating na si Manang at iniabot s akin ang pagkain.

" Thank you po, Manang. "

BriefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon