Chauffeur. 11

1.1K 126 30
                                    


*Alden's POV

Nami miss ko na sya. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan matapos akong umalis kay Ms. Mendoza. Pero bakit pakiramdam ko isang buwan na sa sobrang tagal? Gusto ko syang puntahan, gusto ko syang makita kaso kapag ginawa ko yun baka lalong magulo ang magulo ko nang isip sa ngayon. Baka kasi pag nakita ko sya, magpadalos-dalos ako sa gagawin kong desisyon. Yun naman ang ayaw kong mangyari. Kaya kailangan ko munang magtiis. Kaso baka pag sigurado na ako, si Ms. Mendoza naman ang hindi pa handa?

" Gago Alden! Bakit magiging handa?! Anong dapat nyang paghandaan? Ikaw? Eh bakit ano ba kayo? Iniwan mo nga nang walang paalam diba? Saka sa tingin mo ba pareho kayo ng nararamdaman ni Ms. Mendoza o inassume mo lang? " napailing ako sa naiisip. Nababaliw na ata talaga ako. Habang tumatagal kasi padalas nang padalas ang pagkausap ko sa sarili ko.

Pero kamusta na kaya sya? Namimiss nya rin kaya ako? Pero baka hindi. Sa sobrang busy ni Ms. Mendoza baka nga hindi man lang nya maramdaman na nawala ako. O baka naman napansin nya rin naman pero mas natuwa sya na wala na ako. Wala nang mangungulit sa kanya, wala nang mambabara sa kanya, wala nang mang iinis sa kanya. At higit sa lahat hindi nya na maririnig ang mga jokes ko. Sayang ang dami ko pa namang sinearch na jokes para sa kanya. Diba ang laking kawalan kung hindi nya maririnig ang mga jokes ko? Sobrang memorable pa naman sa akin ang mga jokes kong yun, dahil kasi dun nasilayan ko ang konting ngiti ni Ms. Mendoza.

" Kuya A naman!! Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi mo naman ako pinapansin! " naputol ang pagninilay nilay ko dahil sa ingay ni Rizza.

" Ang ingay mo, Rizza. "

" Eh wala ka kasi sa sarili. Kanina ka pa tulaley dyan. "

" May iniisip lang ako. "

" Ano ba iniisip mo?Or rather sino pala ang iniisip mo? Si Ms. Mendoza ba Kuya A? Nami miss mo na ba? " sabi nya bago tumili ng pagkatinis-tinis.

" Ano ba, Rizza? Naipit ka ba? Kung makatili ka dyan, akala mo kung napaano ka na dyan. "

" Grabe ka sa akin Kuya A ha... Pag tumili naiipit agad? Hindi ba pwedeng kinikilig lang talaga? "

" Bakit ba kasi, Rizza? "

" Sagutin mo muna ang tanong ko, namimiss mo na ba? "

" Bakit ko naman sya mami miss?"

" Eh kasi in love na ang Kuya A ko kay Ms. Mendoza! Ganoin! "

" San mo naman nakuha ang pinagsasabi mo, Rizza? "

" Sus si Kuya, wag mo na kasing ideny! Obvious na obvious ka na eh. Kung ako sayo pupuntahan ko na si Ms. Mendoza tutal naman okay na ang problem sa south. Balakadyan, pag pinatagal mo pa ang pagpapa bibo mo wala ka nang babalikan. "

Muli akong natahimik sa sinabi ni Rizza. Paano nga kaya kung ganun? Gaanon pa katagal ang pag-iisip na gagawin ko? Ilang linggo pa ang sasayangin ko? Wala kasing araw na hindi ko sya naiisip, pwede bang yun na yung hint para masabi ko na sigurado na ako sa kanya?

" Kuya!!! "

" Ano ba Rizza! Bakit na palagi mo akong ginugulat? "

" Kuya A, may ipagpapaalam nga kasi ako. Kanina ko pa sinasabi eh. "

" Ano nga kasi yun? "

" Pa approve na lang tong emergency leave ng isa sa mga empleyado natin. "

" May tao ba tayong papalit sa kanya? "

" Yun nga Kuya A... Wala. "

" Deja 'vu. " sabi ko sa sarili ko.

BriefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon