Pebrero...
Buwan na nais kong tanggalin sa kalendaryo.
Dito umikot ang ating kwento.
Bwan kung kailan gusto kong lumayo at tumakas.
Dahil pebrero ang ating simula at wakas.
Pebrero, tatlong taong nakakalipas.
Nahulog ako sayo at minahal kang wagas.
Pinagdugtong ng tadhana ang
mga puso nating nalulumbay,
Napuno ng saya at pagibig ang aking buhay.
Pebrero...
Binalot ako ng kaba at pananabik sa ating pagkikita.
Yakap ang salubong bitbit ang regalong dala.
Sobrang saya.
Di ko na natikman ang pasalubong mong donut.
Di ko rin nabigyang pansin ang teady bear na nasa malaking lalagyan.
Dahil ikaw lang sapat na...
Sa mga titig mong di makukubli ang ligaya.
Mga yakap na nagtataglay ng matagal na pangungulila.
Ang mga halik na nagsasabing sa akin ka.
Tayo lang. Wala nang iba.
Pebrero...
Di ko inakalang sa b'wang din ito matatapos.
Ang daloy ng pagibig mo'y tumigil sa pag-agos.
Walang babala, walang senyas ang bigla mong paglisan.
Sa isang mahabang mensahe sa'king telepono mo lahat winakasan.
Gusto kong sumigaw pero mga luha lang ang lumabas.
Gusto kong murahin ka pero "bakit?" lang ang nabigkas.
"Bakit tayo humantong sa ganito?"
"Di ba madami na tayong mga plano?"
Noong isang pebrero walang paglagyan ng saya.
Ngayo'y Pebrero din naman pero sobrang sakit na.
Dahil Pebrerong ito nagdisisyon ka.
Iniwan mo ako at sumama sa iba.
Tanda ko pa mahal kung paano tayo nagsimula.
Pero mas tumatak sakin kung paano ka nawala.
Pebrero ang simula at pagtatapos ng ating kwento.
Dahil sayo, ayoko na sa Pebrero.
BINABASA MO ANG
Dito Na Lang
PoetryMga salitang nais sabihin pero walang paraan... Mga damdaming nais iparating pero wala nang dahilan... Siguro nga HANGGANG DITO NA LANG...