Dalawang puso, iisa ang nilalaman
Dalawang taong nagmamahalan
Ngunit nakakubli ang isa sa pagaalinlangan
Samantalang ang isa'y takot nang masaktanSi Nag-aalinlangan...
Natatakot na tuluyang mahulog ang kanyang kalooban
Dahil walang kompyansang kaya niyang panghawakan
Puso ng kanyang mahal ay piniling bitiwanSi Takot Masaktan...
Handa na muling puso'y buksan
Pero sadyang ang kumakatok ay di maintindihan
Minsan nagpaparamdam, maya maya'y wala na namanDalawang taong nagmamahalan
Pinaghiwala'y ng pader ng takot at alinlangan
Parehong nakatitig sa kalangitan
Hanggang kelan sila maghihintayan?
BINABASA MO ANG
Dito Na Lang
PoetryMga salitang nais sabihin pero walang paraan... Mga damdaming nais iparating pero wala nang dahilan... Siguro nga HANGGANG DITO NA LANG...