Sugal

26 1 1
                                    

Nakakatakot na ang muling sumugal
Sa damdaming 'di malaman kung magtatagal
Dapat bang bigyan ng pagkakataon na simulan?
O sa simula pa lang dapat nang wakasan?

Di ito ang unang pagkakataon na ako'y naguluhan
Minsa'y sinubukan ko na ring puso ay buksan
Pero marahil noo'y di pa tinakda
Ang susing hawak niya'y 'di rin tugma

Ngayo'y muling may nagtatangka
Siya na kaya?
Ang magpapatunay na 'di lahat ng darating ay lilisan
At 'di lahat ng mahal mo nang-iiwan

Siya na ba?
Ang magbibigay importansya sa'king halaga,
Yung kahit magkalayo ay 'di hahanap ng iba
Yung nandiyan lagi para ituring akong prinsesa

Maraming tanong dahil hindi madali
Ang magtiwala sa isang tao matapos ang masawi
Nakakatakot ang muling sumugal
Pero mas nakakatakot ang 'di na muling magmahal...

Dito Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon