Pagtatagpo

61 2 1
                                    

Isa, dalawa, tatlo...
Sabay ng mga hakbang mo ay ang mabilis na tibok ng aking puso.
Mga hakbang na sa aki'y papalapit, nais kong takasan ang pagtatagpo sa dating pait.

Sakit ng kahapo'y muling kumakapit...
Bakit? Bakit nagkita pa tayo ulit?
Sa ilang taong wala ka, ako'y naging masaya.
Nalimutan ko nang may isang ikaw, na noon ay nagpawi ng ngiti at nagdulot ng pagkawasak, dating mahal..
Na biglang lumisan nang walang malinaw na paalam.

Okay na ako...
Okay na sana ang lahat pero bigla kang nakita.
Taglay ang pamilyar na ngiti sabay sabi ng
"kamusta ka?".
"Okay lang ikaw?" Sagot ko.
Pero okay nga ba?
Ang dating siguradong sagot ay nalamatan ng pagdududa.

Tangina.
Masakit parin pala...
Mahal parin pala kita...
Ang sugat na ilang taon kong pinahilom ay muling bumuka.

Umaagos ang dugo na wangis noong sinabi mong ayaw mo na. Limang taon...
Winakasan sa loob ng limang minuto.
Limang araw akong di lumabas sa aking kwarto sa pagiisip kung anong pagkukulang ko sayo.

San ako nagkamali?
Yung sobrang minahal kita? Anong dahilan para lahat ng ating pinagsamahan ay biglang ibasura? Ang dami ko pang tanong na di mo binigyang kasagutan.
Di mo man lang ako nabigyan ng magandang dahilan.

Limang linggo...
makalipas nun, dun ko lang nalaman.
Ikakasal ka na pala... magkakaanak ka na pala...
Ang bilis ah!

Instant break up, instant wedding, instant baby pa?
Dati instant noodles lang okay ka na pero lahat pala ng instant kinakarir mo na.

Langya may lakad ka ba?
Di mo na ako nahintay kaya nagtungo sa iba.
Nagbago ka na.
"Uy okay ka lang?"
Bumalik ako sa gunita nang ika'y nagsalita.
"Oo naman"
Kasunod ay isang ngiti na humahawak sa'king pisi na gusto ko nang putulin upang ika'y sampalin at ilabas lahat ng nasa'king damdamin na ayaw ko nang pigilin.

Pero may paparating.
Malilit na hakbang mula sa isang batang walang muwang na biglang humawak sa iyong kamay.
Doon ko nakitang masaya ka na. Ang boses nitong puso ay di na kayang ibalik ka.

Tanggap ko na...
Na ang pagtalikod mo sakin noo'y patungo sa kanya.
Ngayo'y kakayanin ko nang palayain ka.

Hiling ko lang...
Kung makita ka mang muli, sana'y ang pusong ito'y tuluyang naghilom na...

Dito Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon