Kinain ng KDrama

25 1 0
                                    

KINAIN AKO NG KDRAMA!
Nginuya, nilamon, nilunok, at kung ano ano pa.
Bago magsimula ang araw at matapos ang trabaho sa opisina,
Eto na naman ang puyatan hanggang mag umaga...

Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa mga nag-gwagwapuhang oppa?
Killer smile, hot body with six pack super hot abs pa?
Mga nakanginginig katawan halos magkaepelepsy na dahil sa mga eksena
Yung may back hug, hila ng braso sabay halik o simpleng aegyo nila

Get a life! Yan ang laging puna ng iba.
Bakit daw ba adik na adik sa mga koreanong yan eh ni hindi naman nila ako kilala?
Bakit ba!? Eh dito ako masaya...
Dito nalang ako nagiging masaya...

Kung may nagpapakilig ba sakin tingin nila pipiliin kong kiligin sa storya ng iba?
Pipiliin ko bang magpuyat sa panonood nito kesa makausap ang mahal ko hanggang umaga?
Wala eh...
Sa Kdrama ko lang nararamdaman kung paano mahalin
Kahit ang pagmamahal na yun ay hindi naman sakin

Di birong makihati sa emosyon ng iba
Yung pakiramdam na akala ko para sakin lahat ng sinasabi ng bida
Bumibilis ang tibok ng puso ko sa sobrang saya
Ngunit maya maya'y mapagtatantong may ibang bidang babae nga pala.

Kinain ako ng KDrama dahil dito nalang ako kinikilig
Di naman kasi ako pinapansin ng lalaking aking iniibig 💔

Dito Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon