Tama Na!

31 1 1
                                    

Pwede bang akin ka na lang?
Yung ako lang sapat na at wala nang kulang
Alam kong hindi tama dahil may nagmamay-ari sayo
Pero di ko kayang isawalang bahala ang sinisigaw ng aking puso.

Tama bang maging masaya ako sa piling mo kahit mali?
Mga pigil na ngiti sa mga nakaw na sandali
Yung mga banat mong unti unting sa ere'y akoy inaangat
Heto nga't nahuhulog na at sayong bisig ibig lumapat.

Nahihirapan, nasasaktan at ngayo'y litong lito
Sino ba talaga ako sa buhay mo?
Mahal mo siya pero bakit sinabi mong gusto mo ako?
Pinili mo na siya pero bakit sakin ay ayaw mong lumayo?

Wag mong sabihing maging magkaibigan tayo dahil hindi ko kaya
Dahil ang pinapakitang mong turing sakin ay ibang iba
Ayaw kong maging dahilan ng inyong pagkasira kaya tama na
Please wag mo na kong landiin bago pa kita tuluyang agawin sa kanya.

Dito Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon