Nagsimula sa laro kaya malamang laro laro lang diba?
Yan ang nais kong isaksak sa isipan mo sana!
Ayos lang kiligin wag mo lang totohanin ang kanyang mga sasabihin, Wag kang Tanga!
Dahil sa ganitong laro, talo ang unang mahulog, talo ang umasa.Puro mabulaklak na salita ang lumalabas sa kanyang bibig kaya ayan, humaling na humaling ka
Di mo na namamalayan na nahuhulog ka na sa patibong niya
At nang iyong mapagnilayan ang nararamdaman, imbes na tumigil, imbes na pigilan, imbes na lumayo,
Napapangiti ka at bumibigay sa kahit konting panunuyoHindi kita masisisi kung akalain mong totoo...
Dahil sinabi niyang "totohanan na" at sabi nila'y "Ayiee, parang totoong kayo!"
At ikaw naman itong kilig much! At hashtag Uto-Uto!
Dyan ka na naman nakinig sa magaling mong puso!Minsan pa'y ako ang 'yong sinisisi dahil ako raw ay magulo
Dahil sa pagsasala ng dapat sa hindi, ng totoo sa biro'y ikaw ay nalilito
Oo, alam kong mahirap dahil may debateng nagaganap sa loob ko
Pero sana wag lang puso ang nakabukas, Buksan mo rin ako!Isipin mo ha, yun ngang magkasintahan na laging magkasama'y minsa'y naglolokohan pa.
Eh pano ka pa? Ni hibla ng buhok, Ni dulo ng daliri, Hindi mo pa nahahawakan, Ni hindi nakikita? Sa tingin mo, Seseryosohin ka niya?
Sa tingin mo, mamahalin ka niya?Hindi ko ito sinasabi upang saktan ka at alisin ang posibilidad na baka pwede nga. Baka totoo nga... Pero baka lang... Baka...
Kaya habang wala pang kasiguraduhan, gusto ko lang magpaalala...
Wag namang puro puso lang ang iyong pinapakinggan at ako'y ipagsasawalang bahala
Oo nga't puso ang masusugatan kapag sinaktan ka niya
Ngunit alalahanin mong naghihilom ang puso, at ako ang mas nagdudusa
Shit lang! Mahirap...matagal...
ang makalimot sa ala-ala
BINABASA MO ANG
Dito Na Lang
PoetryMga salitang nais sabihin pero walang paraan... Mga damdaming nais iparating pero wala nang dahilan... Siguro nga HANGGANG DITO NA LANG...