Nagmahal ako ng taong 'di pa nakakamove-on...
Tanga ako! Wag tularan!
Ang akala kong pagkakataon,
Lubos ko palang pagsisisihan
Dinamayan kita noong lubos na nahihirapan
Sinubukang pawiin ang sakit na nararamdaman
Umaasang baka sakaling ako naman
Na mapansin mo ang pagmamahal na sayo'y nakalaan
Kaibigan, sandalan, hingahan, taga salo
Lahat ng 'yan pinapelan ko na sayo
Umaasang makatulong hilumin ang sugat na natamo
Di akalaing hahantong sa siyang pagkawasak ko
Mahal kita, matagal na at alam mo 'yan
Kaya alam mong 'di kita kayang iwan
Kasalanan ko din naman dahil lagi ako sa tabi mo
Kaya siguro naisip mong gawing rebound ako
Di ko naman pinagpilitan na mahalin mo ako
Ikaw ang lumapit, nanligaw at nagpaasa ng husto
Alam ko namang siya pa rin ang laman ng puso mo
Pero 'di ko kayang palampasin ang posibilidad na mahalin mo ako
Pero mali... isang katangahan
Ang paniwalain ang aking sarili sa isang malinaw na kasinungalingan
Siya parin hanggang ngayon...
Wala akong laban sa ala-ala ng kahapon
Mahal kita kaya paalam na
Wag na nating lokohin ang isa't isa
Ang katotohanan ay 'di ka pa handang magmahal muli
Karapatdapat akong ibigin ng walang kahati
BINABASA MO ANG
Dito Na Lang
PoesiaMga salitang nais sabihin pero walang paraan... Mga damdaming nais iparating pero wala nang dahilan... Siguro nga HANGGANG DITO NA LANG...
