Kabanata 1

3.4K 50 4
                                    


"ALL works and no play, makes Tiara a dull girl."

Napaangat ang ulo ni Tiara mula sa pagkakatunghay sa binabasang files.

Nakatayo sa bungad ng pinto si Tyron. He's very inch a man, kay guwapo pa rin nitong tingnan sa suot na kaswal. Hindi mo iisiping tatlo na ang anak nito at sa kasalukuyan ay on the family way ang asawang si Paula.

Gayunpaman, hindi rin pahuhuli sa kagwapuhan at kasimpatikuhan ang lalaking nakatayo sa bandang likuran nito... si Erwin Oliver.

"O, Tyron, what's up?"

Pero pilit niyang inignora ang presensya ng binata na sa isang NBI agent.

Minsan na niyang nakasama si Erwin sa paglutas sa isang misyon, at hinding-hindi niya makakalimutan iyon.

At bakit hindi, dito siya nakatikim ng cold treatment at minsan nagkasigawan pa sila dahil hindi sila nagkasundo sa paraan ng paglutas ng kasong hawak nila.

At magmula noon, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi siya mararahuyo sa paghanga sa isang kagaya ni Erwin Oliver na oo nga't guwapo ay saksakan naman ng suplado, brusko at may pagkabarumbado.

Kaya nang matapos nila ang hawak nila na misyon sa pagitan ng awayan at angilan, kahit kailan sila magkita ay hindi na sila nagkibuan.

Ngayon, heto na naman sa harap niya ang antipatikong binata.

"Well, nag-drop-by lang ako just to say hello at para ibigay sa iyo ng personal ang isang file para sa hahawakan mong kaso", nakangiting wika ni Tyron.

"Oh! Really? How sweet of you, Pinsan. Nasabi na sa akin ni Uncle Tristan na may bago raw akong assignment kaya balak ko sanang dumaan mamaya sa office niya para kukunin ang files. Bakit naman nag-abala ka pang dalhin dito iyan?", nakangiti pa ring tanong ng dalaga.

"May dapat kasi akong ipaliwanag sa iyo tungkol sa kasong ito. Here."

Inilapag ito sa mesa ni Tiara ang isa folder na may kakapalan din na nakaipit na mga papel.

"Hmm, and what is that?"

Dinampot niya ang folder at marahang binuklat. Habang binabasa ang nilalaman niyon ay unti-unting nangungunot ang kanyang noo. Pagkuwa'y pormal ang mukhang nagtaas siya ng paningin.

"Maghahanap ako ng isang taong nakadeclare na patay na pero naniniwala pa rin ang mga pulis at ang mga kaaway niya na buhay pa siya?"

"Yeah! Si Don Antonio Sobredad. A bussiness tycoon pero isa ring pinaghihinalaang bigtime druglord sa bansa."

"At kailangang dalawa pa kami na maghanap sa kaniya?"

Awtomatikong sumulyap siya kay Erwin Oliver at bahagya pang tumaas ang kilay.

"Oo. Kailangan kasi, eh," kaswal din na wika ni Tyron. "Hindi lang kasi pribadong tao na naghahangad na malaman kung buhay pa siya, pati ang NBI  na naghahabol dahil sa maraming kaso na kanyang natakasan dahil sa pagkakadeklara ng kanyang pamilya na patay na siya."

"At siya ang makakasama ko?"

Nakataas pa rin ang kilay na sinulyapan si Erwin na sa pagkakataong ito ay nakatitig na rin sa kanya.

Pormal ang mukha ng binata, ni kislap ng anumag damdamin ay hindi rin niya mabasa sa mga nito, pero ewan niya kung bakit may kaba siyang nadama dahil sa simpleng titig lang nito.

"Oo. Nagkataon kasing siya ang may hawak ng kasong ito. At dahil nalaman niya ang pagkuha ni Don Servando sa serbisyo ng agency natin para alamin kung buhay pa si Don Antonio, naisip niyang mas maganda kung makikipag-joint forces tayo sa kanila . That way, hindi magkakaroon ng conflict sa pagitan natin kapag hindi sinasadyang nagtagpo kayo sa isang lugar kung saan hinahinala ninyong pinagkukutaan ni Don Antonio,"

Pangarap Kita by Andrea AlmonteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon