Kabanata 9

1.9K 32 0
                                    

"Hmm..." mahinang ungol ang kumakawala sa kanyang lalamunan. "N-nasaan ako?" Pilit niyang iminulat ang mata. "Ha?" Sabay balikwas ng bangon.

Oo nga't pamilyar sa kanya ang ayos ng silid na kanyang namulatan, still, hindi pa rin niyang madalumat sa isip kung nasaan siya.

"Where the hell am I?" Masakit ang ulo na pilit siyang umalis sa kama. "Bakit ako narito?" Nalilito, sapo ang noo niyang inalala kung bakit at paano siya napunta roon.

"Mabuti at gising ka na." Buhat sa bumukas na pinto ay pumasok ang isang lalaki.

"Erwin!"

Ngumiti ang binata at humakbang papasok. Dala nito ang isang tray na umuusok na pagkain.

"Let's eat. Ako ang nagluto niyan," nagmamalaki panh wika nito tila balewala ang nakikitang pagkagulat sa mukha niya.

"Bakit ako narito? Bakit narito ka? At nasaan ba tayo?" Paangil na tanong ni Tiara.

"This is a safe place for you. Hindi agad maiisip ni Don Antonio na narito ka lalo pa walang makakakita sa iyo. At bago pa siya makarating dito, mahaharang na siya ng mga tauhan ninyo na nakapaligid sa islang ito," kaswal na wika ng binata.

"Nasa isla Fuentebella tayo?" Saka lang niya naalala kung nasaan siya.

"Yeah! At dito ka pinadala nina Francis sa bahay-pahingahan nila sa kasukalan. Mas safe daw na dito ka magtago."

Sa lahat ng ayaw ni Tiara, iyong may magpapasya para sa kanya.

"I told you ayoko nang magtago! Gusto ko nang harapin ang matandang iyon. Nakakapagod ang ganito, Erwin."

"I know. Napapagod din naman ako, ah. Sinobang may gusto nang ganito? Kagaya mo, sanay ako na hinaharap ang kalaban at hindi tinatakbuhan. At kung para sa sarili ko lang, to hell with the bullets. Pero ikaw lang ang inaalala ko. Lalo pa at alam kong masyado ng apektado ang mama mo sa kalagayan mo."

Gusto niyang kiligin na nag-aalala sa kanya si Erwin. Pero naiinis pa rin siya sa sitawasyon nila na nangyari na labag sa kanyang kalooban.

"So, ikaw ang nagpatulog sa akin, hindi ba? Pinaamoy mo ako ng chloroform kaya ako nawalan ng malay?"

"Yes and I'm sorry. Nang lumabas ka sa terasa at naglambitin pababa, hindi mo napansin na naroon din ako. May hinala kasi ako na may balak kang gawin kagabi kaya nag-abang ako. At alam kong mahihirapan lang akong pigilan ka kaya... kaya naghanda ako."

"Damn you!" Inis na tinalikuran niya ito at humakbang siya patungo sa banyo.

"Tiara, kumain na tayo."

"Kumain ka mag-isa mo! I hate you!" Nagdadabog na inilapat niya pasara ang pinto ng banyo.

Napabuntong-hininga na lang si Erwin bagama't hindi ito lumabas sa silid na iyon.

I'll wait for you, Honey. I like this place. Hindi ako papayag na masira ang romantic mood ko sa mga tantrums mo. I know, akin ka na. Napangiti ang binata sa isiping iyon. Pagkuwa'y negatibo sa pelikula na binalikan nito sa isip ang matamis na halikang naganap sa kanila sa terasa ng bahay ng mga Madrigal.

***
Inis na inis na itinapat ni Tiara ang sarili sa rumaragasang tubig mula sa shower.

Nakakainis! Hindi ba sinabi sa kanya ng mama't papa na I hate this place? Noong mga bata pa kami at nagpupunta kami rito, I'm so bored! Ayoko ng tunog ng dagat, ayoko ng tahimik na tahimik na paligid! Lord! Wala kang makikita kundi mga bato, puno, dahon. Lalong ayoko ng tubig-dagat. Makati sa balat! Shit! Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, tatakas ako!

Pangarap Kita by Andrea AlmonteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon