Kabanata 4

1.6K 32 0
                                    

"Let's go."

"H-ha?" Pabigalang napamulat si Tiara.

Kagaya kanina, puro dilim pa rin ang kanyang namulatan.

"S-saan?" tila takang tanong niya.

"Aalis na tayo rito. Kapag inabutan tayo dito ng liwanag ay baka mahuli pa tayo."

"H-ha? Ah, s-sige." Saka lang naalala ni Tiara ang sitwasyon nila ni Erwin.

Naroon nga pala sila sa maliit at makipot na lagusan na iyon. Magkalapat ang mga katawan, magkadikit ang mga mukha.

Oh, God! Naidlip ba ako? Bakit parang ang tagal kong nawala sa sarili? Ang huling matandaan ko ay gusto niyang magpahinga dahil nangangawit daw siya. Pagkatapos niyon ay pumikit na ako at tila ako nawala sa karimlan.

"Tiara, c'mon, move on," anas nito. But this time, hindi paangil ang tinig nito. Sa halip ay may bahagya pa nga iyong lambing.

"O-oo."

Naramdaman niyang inilayo nito ang sarili sa kanya.

"C'mon, gumapang ka patungo sa kaliwa. Doon ako nagdaan kanina, patungo iyon sa tagilirang bahagi ng bahay na malapit sa pader."

"O-oo." At gusto na naman niyang magtaka. Ngayong gumagapang siya patungo sa sinasabi nitong daanan palabas, hindi naman pala ganoon kasikip. Pero bakit kanina ay halos daganan na siya ni Erwin?

Ilang sandali pa nakarating na sila sa dulo ng lagusan.

"Hah!" Tila sasabog ang dibdib na malaya niyang nilalanghap ang hanging sumalubong sa kanyang mukha.

"Halika na, baka may makapansin pa sa atin."

"Sige." Kagaya kanina, hindi naging dahilan ang maraming bantay na nakakalat sa maluwang na solar upang hindi sila makaakyat at makalabas sa mataas na pader.

Hindi lang nakadama ang ganap na kaligtasan si Tiara eksaktong tumapak ang mga paa niya sa kabila ng pader, sa halip, damang-dama niya ang malaking pagbabago sa kanyang buhay, sa kanyang pagkatao, sa kanyang damdamin.

At iyon ay dahil sa naging karanasan niya sa loob na makipot na lagusang iyon... iyon bang ilang oras na naglapat ang mga katawan nila ni Erwin... at ngayong magkahawak-kamay silang tumatakbo patungo sa kanilang sasakyan na nakaparada sa di-kalayuan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Napailing na lang si Tiara matapos umalis sa harap ng malaking salamin.

Shut up, Tiara! Kung ano-ano ang naiisip mo sa lalaking iyon, baka mamaya ay hindi naman pala siya ganoon kaapektado na kagaya ko dahil sa pagkakakulong namin sa lagusang iyon!

Pabuntong-hiningang nahiga na lang sa kama ang dalaga.

Buhat sa malaking bahay ni Don Melvin Delgado ay tahimik silang nagbiyahe kanina ni Erwin patungo sa tinutuluyan niyang condo. Ngunit hanggang makababa na siya sa kotse nito ay wala na siyang narinig na kataga mula rito kundi good night bago siya bumaba.

At ngayon, damang-dama niya ang kanyang pagkalito.

God! I miss him. Bakit ba ganito ang nadarama ko sa kanya ngayon?
Bali-baligtad siya sa higaan. Sinikap niyang makatulog ngunit mailap pa rin ang antok.

Ah, siguro'y gusto ko lang tumanaw ng utang na loob sa kanya dahil nailigtas niya ang buhay ko kanina.

Ngunit anong pangatwiran niya sa sarili ay balisa pa rin siya.

Pangarap Kita by Andrea AlmonteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon