Kabanata 2

1.8K 35 0
                                    

Hindi na muling nagsalita si Erwin. Napalinga-linga na lang ito sa paligid. Nakataas naman ang kilay na ibinaling niya sa ibang panig ang paningin.

"Tiara..." mayamaya ay tawag nito sa kanya habang lumilinga sa paligid.

"Yes?" Nakataas pa rin ang kilay na bumaling siya rito.

"That man, iyong laging kausap ni Cheska Sobredad, tingnan mo ang kilos niya."

Sinulyapan niya ang lalaking tinutukoy nito.

Black suit ang suot ng may edad na lalaking kaagapay ng debutanteng si Cheska Sobredad. Kulot ang buhok nito at mukhang kagalang-galang ang dating dahil sa suot na salamin at clean cut na buhok.

"So, ano ang lalaking iyon?" baling niya kay Erwin.

"May palagay akong siya si Don Antonio Sobredad."

"What?" Napaayos siya nang upo.

"How could you say that?" Muli niyang tinaasan ng kilay ang binata upang ipahalata rito na hindi siya kumbinsido sa sinabi nito.

"Well, simple lang. Ayon sa DPA ko, ang lalaking iyon ang madalas na makitang dumadalaw sa bahay ng pamilya ni Don Antonio. Bukod doon, madalas din na nagpunta ang mag-iina sa bahay nito. At iyon ay kahit na walang espesyal na okasyon. Kung minsan, doon pa natutulog si Cheska at ang iba niyang kapatid."

May naiisip na punto si Tiara sa sinasabi ni Erwin, pero hindi niya gustong ipahalata rito ang bagay na iyon.

"And so, ibig bang sabihin niyon ay puwede na siyang pag-isipan na si Don Antonio?" Nilakipan niya ng sarcasm ang tinig.

"At isa pa, sino ba ang taong 'yon?"

"Siya si Don Melvin Delgado. Isang business tycoon na nagbalikbayan mula aa Amerika."

"O, meron pala siyang sariling identity, eh, bakit pinag-iisipan mong siya ang taong hinahanap natin?"

"Simple lang, ayon sa report na nakarating sa akin, nabalita sa Filipino community na namatay na ang taong iyon sa Amerika dahil sa atake sa puso. But later on, bigla na lang ay buhay pala siya at ngayon ay umuwi pa ng Pilipinas para magtayo ng iba't ibang negosyo rito."

"Really?" Gusto na niyang makumbinsi, pero hindi pa rin siya papayag na lumaki ang ulo nito.

"Sapat na ba iyon para isipin mong siya si Don Antonio na posibleng kinopya lang ang mukha?"

Napabuntong-hininga si Erwin.

"Pero marami pa akong hawak na impormasyon na saka ko na idi-discuss sa iyo. Hindi tayo nakakasiguro na walang tao sa paligid natin at narito tayo sa malayo sa mga bisita. For the meantime, talasan mo na lang muna ang paningin mo at baka sakaling malinawan ka sa mga ibig kong sabihin, okay?"

Gustong mainis ni Tiara sa napakadominanteng salita nito, pero pinigil niya magpakita ng inis.

"Okay, fine!" Saka na nag-iwas na siya ng tingin nito.

Masaya at bongga talaga ang party para kay Cheska Sobredad. Habang lumalalim ang gabi ay alis-dating ang mga bisitang may mga sinasabi sa buhay. May mga pulitiko pa nga at ang ilan pa nga ay mga sikat na celebrity.

At habang tumatagal ang pagmamanman nila sa taong pinaghihinalaan ni Erwin na si Don Antonio, unti-unting nare-realized ni Tiara na may katwiran ang binata sa hinala nito.

Kung umasta kasi si Don Antonio ay parang ito talaga ang ama ni Cheska. Ito ang first dance ng debutante, ito ang mas nagagahol sa pag-eestima sa mga bisita. Maging ang biyuda ng don na si Dona Salud Sobredad ay malapit dito. Ilang ulit pa ngang nakita ni Tiara na nagnakaw ng halik sa ginang ang lalaki.

Pangarap Kita by Andrea AlmonteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon